How can I make it through the day Without you You have been so much a part of me (and if you'll go) I'll never know what to do How can I carry on my way The memories When all that is left is the pain of my history Why should I live my life today I cannot live out on my own And just forget the love you've always shown And accept the fate of my condition Please don't ever go For I cannot live my life alone Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away How can I make my dreams come true Without you You were the one who gave love to me (And don't you know) You are my fantasy I cannot live out on my own (I can't do anything at all) And just forget the love you've always shown And accept the fate of my condition Please don't ever go For I cannot live my life alone Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away

Wednesday, May 31, 2006

wahahaw!

NEWSFLASH!!

I got his number already!



I mean Joseph's number. wehehe...

Tuesday, May 30, 2006

nangangarir?!

heion... eto... feeling nangangarir ng boylet. wahahaha!!! who would have thought?! Actually pwedeng 2 na ang karirin ko eh kaso tinatamad ako dun kay Yuu.

So si Joseph nalang.

sino si Joseph? hehe... anak naman siya ni kuya Arnold na Pilipinong nakilala namin sa church. kelan lang siya dumating from the states kasi dun siya nagaaral ng college tapos pumunta yata sa Korea as part of their curriculum. exchange yata. so he'll be studying here in SNU for a while... Korean ang mom niya at super kamukha niya ang dad niya. Cute na rin... only if he'll smile some more. Mukhang mahiyain. Hindi kasi gaanong nagsasalita.

May nagtanong sa dad niya kung bakit wala shang girlfriend eh. sabi yata ni kuya Arnold, "walang tumatagal eh" sabay tawa. hehe... anyway, he looks good as a person naman. masarap tingnan kasi mukhang inosent. minsan mukhang tanga. haha!

so ayun, invite ko shang pumuntang Everland (amusement park ata). So shempre tinanong ko kung may number ba sha o email para makontak ko sha. Yikkeee! pailalim?! hehe... sayang wala pa shang number pero nakuha ko na email niya! bwahaha!! success na naman. masaya talaga dito sa Korea, may reason ka para makuha ang mga contacts ng mga tao. Ultimo tindero ng souvenirs, nakukuhanan ko ng business cards (hindi sa crush ko yun ha! yuck!).

Kaya in-email ko na sha kanina. Sana makasama siya. hehe...

Nakakatawa nga yun eh. Pagtinatanong siya kung marunong ba siyang magtagalog, sasabihin niya, "konti lang..." hehe! ang cute kaya!!

pero don't get me wrong. hindi ko naman sha super crush. pano naman kasi yung tatay niya bot kay Marian ano. Yung tatay pa niya yung kumukuha ng number ni Marian para raw may makausap ang anak niya. tapos sabi pa nun kay Marian, "Alagaan mo anak ko ha..." niloloko ko nga si Marian na kung pwede lang ipagkakasundo na talaga sila ni kuya Arnold eh.

pero sabi ni ate Jeanette, mas bagay raw kami. Yikkeeee!!! *^^*

then before kami naghiwalay nung Sunday kasi uwi na sila, sabi niya sakin, "I'll be waiting for your email." hehe... I barely heard pa nga kasi mahina boses nun eh. haha! sana reply na sha. pero you know what, ala lang. I'm not counting my chances.

ay alam niyo ba sa Japan, baligtad pala ang mundo. Ang babae ang nanliligaw sa lalaki. As in! Lalaki pa raw ang nambabasted sabi ni kuya Dennis na nanirahan na sa Japan. tapos girls pa raw ang nagbibigay ng mga regalo sa guys. Basta wait lang ang mga guys. Ganun. Parang babae! Pansin nga namin yung isang japanese na babae sa language institute, siya pa yung punta nang punta dun sa room nung guy during break time.

So naisip ko lang, dapat pala sa Japan tumira si Mary. Wahahahahaha!!! o di kaya Hapon ang karirin niya.

So pwede kong karirin si Yuu (since naghahanap naman daw siya ng girlfriend)? hehe... mabait pa yun. Kahapon nga eh, parang sasabihin pa ata ni Marian kay Ms.Kim na crush ko si Yuu! inunahan ko na talaga na sabihin na si Marian ang may gusto na isama si Yuu sa Everland para may makasamang Japanese yung crush niyang Japanese din. Wushu! Sabi tuloy ni Ms.Kim, mabait naman si Yuu. Oo nga, alam ko. Pero hindi ko lang siya masyadong crush as in kasi mas maliit body frame nun saken eh. hehe... tsaka parang kuya na tingin ko dun. Well technically, kuya ko naman talaga sha kung age lang ang pagbabasihan.

Pero remember Minsu? Yung batang taga-Ecuador? sasama siya sa Everland! yay! 2 fafas! wahaha! Got to brush up my Spanish!! kaya lang nalimot ko na talaga... as in... naku, pa-review nalang kaya ako? hehe... tama! ganun kaya?

Tawagan ko na kaya si Yuu? kaya lang di ko alam number niya eh. tatanong ko pa kay du Peng. naku wag na... kakahiya. hehe... dapat invite ko rin si du peng nun! fine. ngek ngek. whatever.

nagdaldal na naman ako... hehe... 미안해요!

*note: kung gusto niyong makita ang korean characters, install niyo sa PC niyo. or try niyo muna click VIEW> encoding (ata) tapos hanapin niyo yung korean language. i think kelangan pa nung system installer. Oh well, kahit naman mabasa niyo di niyo naman maiintindihan dba? wala lang, para lang nakikita niyo yung characters kesa box-box. ^_^

Monday, May 29, 2006

pung!

ayun... nagtago ako sa likod ng poste para hindi niya ko makita. tapos dun siya dumaan sa kabila kung saan kitang-kita ako. lufet noh?

haaayy... nakakaiyak naman yung Ice Age... yung 1 ha.. ala lang... hehe... aww...

nung Sunday, bigla kong nabulalas ang "gusto ko nang mag-asawa..." tapos kitang-kita ko talaga yung pang-sineng epek ng pag-turn ng ulo nila towards my direction. as in nagulantang yata na para kong sinabing "buntis ako". sira ulo talaga yung mga yun. pero mas sira ang ulo ko.

ewan ko ba kung anong meron nung araw na yun. antok na antok lang ako, nakasakay sa kotse habang nakatingin sa labas, pinagmamasadan ang mga damuhan tapos naisip ko lang. parang may urge lang. ganun.

haaayy... i need SOMEONE!! tangenang buhay to o... couldn't even get a good hug! or ANY hug for that matter. demet.

tapos gusto ko pang manood ng "The Notebook"?? goodluck sa psyche ko! mushyness all over kaya lang nobody to share the mushyness with. ahehe... naman!

ayun ayaw yta ng tadhana na magpaka-mushy ako kaya misteryosong nawala ang Windows Media Player at hindi ko ma-play yung movie. fine. Finding Nemo nlng. hehe... ang loser eh noh? ngayon ko lang papanoorin.

So I said I already thought of a novel inspired by her. Okay, that was weird. Shouldn't have said that. Maybe I got the wrong words. So there, I already promised her the book. That means, I have to do it! *sigh* I promised 2 books already. One to T.Leslie and the other to Ms.Kim. See? What I mean 'inspired' was the same 'inspiration' I got from T.Leslie, if you know what I mean.

Speaking of her, T.Leslie's already Assistant Principal of the 1st and 2nd years. Did you read that pres?! AP! Seems that every time I see her, she always get herself promoted. cool...

gusto ko nang magka-anak.

I don't know what to say

Why am I so damn bad at speaking?? Nakakaasar na sobra.

Nakakaasar!!! I looked so stupid. Argh!!

Friday, May 26, 2006

*sigh*

Till It's Time
By carol banawa


I just, cant tell
This feeling here inside me
I feel, so strange
Whenever you are near me

Everytime i see you pass i smile
But then you never seem to realize
Its for your eyes
If you would say hello
It would be nice

Chorus:
You're in my mind
Almost all the time
Every single minute all i do is think of you
And deep inside
In this heart of mine
I have to go on wishing till its time

One day, you came
And you are oh so near me
I smiled, and then
You turn and did not see me

How am i supposed to get to meet you
What should i do
Your in my dreams, i feel it seems
That you dont feel it quite the way i do

Chorus:
You're in my mind
Almost all the time
Every single minute all i do is think of you
And deep inside
In this heart of mine
I have to go on wishing till its time

Yeahhh heyyyy ohhh

Yes deep inside
In this heart of mine
I have to go on wishing till its time

Chorus:
You're in my mind
Almost all the time
Every single minute all i do is think of you
And deep insideIn this heart of mine
I have to go on wishing till its time

YeaaaaahhhTill its time.......

Thursday, May 25, 2006

cinematic consciousness

i don't know what's wrong with me but I just realized that i've been aloof with people in some way. i am not ordinarily like this even with new people and i even make sure that im kinder that usual or be my usual kind self whenever Im dealing with them so they can be my friends. but here, im not, as if there's an automatic wall built up around me.

i just realized this when i noticed that i didn't get a glass of iced tea for marian at dinner tonight. what i would do usually is get a glass for whoever's with me. but i didn't. and then sometimes when we walk, i don't mind if she comes behind me. i don't necessarily wait for her. maybe... i don't know. maybe i know the answer.


im just going crazy doing this essay in literature. slept at 3 am then woke up at eight. bangag ika nga.

dinala ka ng musika sa huling gabi kung kailan ninais mong hindi na sana nagwakas. noong mga panahong 'yon, muntik mo ng tinawag ang mga di kilalang diyos upang patigilin lamang ang pagtik-tak ng mga orasan; at dahil siguro may dwende na nakarinig sa dasal mo, pinatigil niya tuloy ang orasan mong regalo ng nanay mo nung nakaraan mong kaarawan. pero hindi yon sapat para patigil ang pagsikat ng araw. sumabay ka sa agos tulad ng iyong nakagawian na at hinayaan mo nalang na malunod ka sa baha ng luha na hindi makaagos.

pero tandang-tanda mo ang tunog, ang lagaslas ng kalungkutan nung gabing yun, at ng mga gabing nagdaan. pero tulad ng dati, wala kang nagawa kundi makinig. at patuloy mong naririnig hanggang sa mga panahong ito. pero natatawa ka na lang. isang tawang tutulad sa mga tunog sa iyong alaala.


natatawa ka dahil ang mga alaala, ang mga himig na kinakapitan mo sa malupit na agos, ay kusang bumitaw sa'yo. wala kang sinabi. hinayaan mo nalang na tangayin ka habang nakatitig ka sa kamay mong umaabot sa langit, kung saan ang inyong mga palad ay perkpektong naglapat.

dapat gawin ko ng fanfic tong mga spurts of ideas na to eh!

adik!

uy lam mo ba ngayon, alis na ulit papa ko. di ko na siya naabutan... aww... sadness. wala ng magt-tiyagang tawagan ako dito. yun lang naman kasi ang mat-tiyagang tumawag sakin kahit naasar na siya kasi wala ako lagi sa kwarto. hehe... ngayon kailangan ko pa yata tumawag sa bahay para lang sabihin na tawagan nila ako. nguwek.

ayun usap kami kanina. parang ako nga yung aalis dito kasi binibilinan ako ng papa ko tungkol sa pagalis ko dito, tungkol sa bag na bibilhin ko para sa extra stuff, pasalubong... feeling ko talaga ako yung uuwi eh noh! pero malapit na rin yun!! dava??

alam mo ba tipid mode nako dapat ngayon eh. nag-wthdraw nga ako kanina tapos kinuwenta ko na pera ko na tamang-tama lang para may maiuwi pako (at mabayaran pa utang ko sa mama ko). tapos ba naman, dumaan kami sa bookstore kanina para bumili nung level 2 na korean book. nakita ba naman namin yung english books naka sale 30% off!!! siyet na malagket! ayun... napabili na naman ako!!! kanina nga eh ang dami kong hawak na libro, actually di ko na sila mahawakan lahat sobrang dami. pero eventually i have to let go of some kasi wala na akong cash. buti na lang hindi ganun karami yung na-withdraw ko kundi!! patay-patay ako!!! hay grabecious na ito. naaadik na ako!! lam mo ba, pag pumapasok ako sa bookstore, hindi ako umuuwing empty-handed. lagi-lagi akong bumibili talaga.

kasi ba naman, iba na ang pananaw ko sa pera dito. basta below 10,000won, mura na sakin which is actually P500! mahal noh pag converted pero ayun... mura na yun dito. di tulad sa pinas nao-overwhelm nako sa P200! hahaha!!

Wednesday, May 24, 2006

getting to know my shit

Korean Literature.

I know I made one shitty paper. I, myself, wasn't a bit satisfied but I felt, then, that I couldn't do anything more.

The paper went back and I was criticized like never before. Not even Ferlo did that. My papers didn't go back with all sorts of comments and criticism (except for a "masyadong sexist ang language mo!). The grade spoke for itself and I shrugged at those marks, high or not. Sometimes, I read my papers over and over again to see just how I got a certain grade. What did he like? What he didn't?

But the paper, the one simple reaction paper that I did went back---murdered. It was kind of comforting that the comments didn't go in red or else it would really look so bloody, almost pitiful. It didn't only have in-text comments but my professor even included a separate paper with more comments, implying that I'm not creative enough and that I needed to read more closely. He said that I need not extract a moral from a literary piece. Shit, I've been doing that for years and no one told me that I wasn't supposed to do that?!

I am not bitter. In fact, I'm more of grateful for it. I felt happy to be criticized. I felt happy, knowing what sorts of mistakes I did. I felt happy, learning. And I'm even happier that despite the homicide, I still got a 7/10.

The thing is, I wish I knew how I got my grades and how to maintain or improve them. My professors in UST aren't patient enough to do that, put comments, suggestions and even correct grammar and punctuation. I don't learn from the numbers marked at the upper corners of my papers.

Tapos magrereklamo ang mga profs na despite,us, writing over and over again, despite our 3 years in Literature, we still commit the same simple mistakes. But heck, we don't even know where we went wrong, that's why we keep doing them. Para ba 'tong 'Mastermind'? Super trial and error ba 'to hanggang sa maka-jackpot? What if it's too late? What if we run out of chances?

Ferlo is rude. I learned from him but I think I can learn more. The criticism I got from my Korean class was not, in any way, rude but I understood well. I may not be able to do exactly what he want to get from me in my next paper but I guess I have to try again next time until I get it right.

Monday, May 22, 2006

50 first dates

shit. why does every damn movie want to make me cry? and why do i want to watch them anyway?

where is the man who will make me fall in love everyday?

but man, that's the ending that i would want. no deus ex machina where Lucy regains memory miraculously. just a pretty good compromise.

so, where's the man that i've been looking for?

pop-up line: "Can I wish that I have Goldfield syndrome so I can forget tomorrow that you dumped me?"

haha! anyway, i wouldn't wish it myself.i may use for a fanfic though. ^_^

wanting to go home... or not?

haaayy... lam mo ba sobrang pagod ko last week. bukod sa whole day food fest, wherein lagi akong nakatayo, mejo natataranta sa mga bumibili (lalo na kapag ang mga kasama ko ay nakikipag-sosyalan sa mga pwends nilang dumayo at dahil wala naman akong 'pwends', sino pa ba ang maiiwan?), at one of day boys na taga-buhat ng mga kahon ng coconut juice at ilan pang kahon, naghanap pako ng shoes and pants para sa dress code sa JSA nung thursday. di pako nakapasok nun ha kasi may mga ginawa pako tapos ayun bangag kaya nung na-realize ko na super late nako sa klase, di nako pumasok. nagpunta nalang ako dongdaemun para nga maghanap. endless lakad.

nag-JSA pa nung Friday. hindi naman pala nag-check ng dress code. bwsit tlg yun. tapos dun naman pinatay ang paa ko sa kalalakad habang alam kong pinapaltos na ang paa ko. damn.damn.damn. may makulit pang bangladeshi na bukod sa madaldal eh pinipilit pakong lumakad ng mabilis eh masakit nga paa ko noh!! sapatusin ko sha eh!

tapos ayun kahapon naman, parang feeling ko nilibot namin ang seoul. from up north to down south ang trip. matapos magsimba, pumunta kami sa bookstore kung saan naman namili na naman ako ng 2 libro. tapos sakay ng subway para pumunta sa may stadium kung saan bumili lang ng international phonecard si marian or 10 minutes. sakay ulit ng subway to up north para mag shopping ng pasalubong sa Insa-dong. hehe... saya! lakad na naman. pagod na kami at ang bibigat ng dala namin pero sakay ulit kami ng subway to down south sa COEX para pumunta sa isa pang bookstore kasi gusto kong bumili ng 'The Tale of Genji'. pero naubos ang pera ko sa Insa-dong kaya di ko nabilli. pero bumili pa rin ako ng isang libro. nyehehe...

pagod nako by 6pm pero ayoko pa umuwi para lang salubungin na naman ng pag-iisa. after namin mag-dinner ni marian sa cafeteria dito sa may dorm, punta kami sa may isa pang canteen, para kumain sana ng ice cream. pero nakita namin yung kaibigan naming bangladeshi tsaka isang pinoy kaya ayun. nag-bilyar kami. kahit hindi kami marunong ni marian, cge lang. bahala na. by 11, naramdaman kong sinusukuan nako ng binti ko. pero umuwi kami 12 na.
kaya yun. knock-out hanggang 1pm ngayong hapon. ngayon lang ako nagka-matinong tulog since last week.


pagod ka na. pagod na pagod ka na kaya ayaw mo ng gumalaw. ayaw mo ng tumayo, lumakad at kumain. ayaw mo na rin mag-isip. ang totoo, matagal ka ng tumigil sa pag-iisip kaya nga medyo nasasanay ka na. ang di mo alam, kailangan mong mag-isip.

pero pagod ka na. napagod ka na sa paglalakad sa landas na pinaniwalaan mong tama pero hindi naman pala. tumingin ka sa likod pero nakita mong malayo na ang nalakbay mo at mukhang imposible nang bumalik. umupo ka. pagod. kailangan mong mag-isip ng paraan kung paano ka babalik sa tamang landas.

pero dahil nga pagod ka na at masakit na ang paa mong puro paltos dahil sa maliit mong sapatos, umupo ka nalang. tumunganga. di mo alam ang gagawin mo. gusto mong umiyak pero hindi mo magawa. tumingala ka at nakita mong may mga cherry blossoms sa tabi. kaya inaliw mo nalang ang sarili mo. kinalimutan mong nawawala ka. kinalimutan mong may sugatan kang paa. kinalimutan mo ang mga bagay na dapat mong gawin. sa halip ay nagpakaaliw ka sa cherry blossoms na ngayon mo lang nakita sa buhay mo.

pero nalaman mo rin na sa tagal ng paghihintay ng mga tao sa pamumukadkad ng cherry blossoms, ay sumisibol lamang ito sa loob ng ilang linggo. pinanood mo kung paano tangayin ng hangin ang mga bulaklak sa isang dramatikong paraan na inakala mong sa telebisyon mo lamang mapapanood. matapos ay nakita mong wala na ang mga bulaklak. inubos na ng hangin. gayunpaman, nasisiyahan ka parin sa lilim na nilikha ng mga malalagong dahon na pumalit sa magagandang bulaklak.

kaya nakaupo ka parin hanggang ngayon.

kahit alam mong bukas, kailangan mo ng bumalik.

dahil bukas ay panahon na ng taglamig, at kung di ka aalis sa iyong pagkakaupo sa liliman, lalamunin ka ng malamig na niyebe at maninigas kang yakap ang punong wala na ni bulaklak o dahon.

pero hindi pa nga ba panahon ng niyebe sa kaibuturan ng iyong puso? hindi pa ba naninigas ang puso mong nakakapit sa mga alaalang masasaya at pantasyang pantasya lamang?

matatapos na ang panahon ng tag-sibol. magsisimula na ang tag-init na susundan pa ng tag-lagas bago ang tag-lamig. hindi pa naman huli ang lahat. kailangan mo ng mag-isip ng susunod mong hakbang. sarado na ang daan sa harap mo't wala ka na ring babalikan. kailangan mong maghanap ng panibagong daan.

kailangan mo ng bumalik sa realidad. gaano man ito kalupit.

kailangan mo ng magbayad para sa panonood ng magandang palabas ng cherry blossoms.

dahil sa buhay na ito, walang libre.

Saturday, May 20, 2006

grow old with you

I wanna make you smile,
whenever you're sad.
Carry you around
when your arthritis is bad.
Oh, all i wanna do,
is grow old with you.

I'll get your medicine
when your tummy aches,
Build you a fire if the furnace breaks.
Oh, it could be so nice,
growin' old with you.

I'll miss you, kiss you,
Give you my coat when you are cold,
need you, feed you.
I'll even let you hold the remote control.
So let me do the dishes in our kitchen sink,
put you to bed when you've had too much to drink.

Oh I could be the man
who grows old with you.

I wanna grow old with you...

hey guys! oo, kayong lahat na mga matatapat na kaibigan ko sa mundong ito. kayong walang sawang nagt-tiyaga sa tae na to. sana habambuhay niyo ko pagtiyagaan. uy forever na to!!! yipeee! usapan yan ha! haha! haaayy... tangena videoke tayo!!!!

yun lang. i just want to grow old with you.

10 years na kami ni Precious sa June!!!! that calls for a celebration! may 2 years pa kami ni set ano? tapos 7 years pa ni karen, 8 years pa ni ana at 7 years rin ni sheri. saya naman. kaya naman yon dba? yikeee!! excited naman ako!

love stinks. sabi sa "the wedding singer". ang galing no? ngayon ko lang napanood yon eh. hehehe... ang bano ko talga. as in ngayon lang ha?

ang sweet.... sobra... naiiyak nga ko buong movie. as in ha? yuck mushyness!! pero yun di pako nakakaiyak. di pa ko naiiyak! woohooo!! ang sweet kasi nung movie eh. tsaka magaling si drew. ayun. at ang galing kumanta ni adam sandler. haaayy...

nasabi ko na diba? i want somebody to sing for me. sing for me!!

tapos gusto ko pa nga marunong mag piano eh. para turuan niya ko! hehe... ang dreamy ng piano sobra. o di kaya violin. pero pwede na gitara. para turuan niya rin ako.

ayun... ana, kakantahan kita pagbalik ko. hehe... yung theme song natin!

uy pres, anong request mo? kakantahan rin kita! kayong lahat! tiis tiis na nga lang kayo. hehe...

Thursday, May 18, 2006

tapos na ang kanta

Just Like A Splendid Love Song
Orange and Lemons

Spending my days with you
Is like living in a world of fancy
With all the beautiful people i know
Makin' love in a world
Of vivid colours
How often have I been there
Well it really doesn't matter
As long as we're together

You and me together we will journey
To seek and see the colours
Of our fantasies
Come to life with the stroke
Of your soothing hands
All the questions in life
I will come to understand

Seasons come
And seasons go
Stars will shine
And lose their glow
But everytime I try to look back
I know...
You and me in love with each other

There will be no problems
That will bother
Just the two of us
Painting a world of our own
Everything is perfect
Just like a splendid love song

it's over

horoscope for the day:

This is an amazingly good time for you to be forging new relationships, dear Cancer. Try to be open-minded if someone close to you approaches you with a proposal. Certainly you will need to do your homework and examine all the potential risks, but this is a fine period in which to pursue something new; success and good fortune are clearly on their way for you. Keep your eyes and ears open for opportunities. Don't be surprised if you hear some important news from your love interest.

wow. galeng. tama yung last sentence. as in! 2 pa. steg... mabuhay ang archetypes!

so sana pati yung ibang hula totoo rin. sana hindi lang kay Sheri nagkakatotoo yung mga horoscopes kasi diba zodiac sign ko rin naman yon?! hahaha!!

oh well, sana ma-burn ko na tong mga gusto kong i-burn at sana makabili nako ng sapatos once and for all! siyet na malagket naman o. bibili pa pla ako ng pants. no ba yan. wala na nga akong pera eh. lam niyo di ko alam san nagpunta pera ko. as in nag-withdraw ako ng pera tapos hindi ko naman masyadong ginagastos kasi nga bibili ako ng sapatos. tapos pagtingin ko sa wallet ko parang umonti pera ko kahit di ko naman ginastos. ah ewan! memory gap ba o may kumukuha sa wallet ko?! anakngmais naman o!

so ano. food fest. tapos na ang food fest. saya nga eh. pero im so dead tired ha. ala pakong matinong tulog. bawi nalang sa sabado. buti sana kung pumapayat ako sa pagod db? pero hindi eh!! haha! tumaba pa yta ako dhil ang daming pagkain don. tapos kinakain ko pa yung niluluto ko. bwehehehe.... baboy!

ang saya nga eh kasi yung mga malaysian nagtinda ng taho! saya kasi na-miss ko tlg yung taho. sayang wala lang sago. pero masarap. katulad tlg nung satin. kaka-miss!!!

mejo sad nga lang kasi di ko natikman lahat ng gusto kong tikman. walang budget. ahehe... gusto ko nga bilhin lahat eh.

uy ang weird ng turkish ice cream. malagkit. hehe... di gaanong matamis pero ayos naman. tsaka mejo matino yung curry na nasa loob ng magandang tinapay. ay sayang sana pinicturan ko!

ayun tapos sumakay ako ng hotair balloon!! di gaanong mataas pero masaya parin! gusto ko nga yung as in lumilipad tlg. kelan ko kaya mararanasan yon? sabi ni pres bumili raw ako. magkano ba yon? naalala ko tuloy yung MTV ni Lee Jun-ki--crush kong artista, hehe. nilagyan nila ng blindfold yung girl tapos pagbukas ng mata niya nasa hot air balloon na siya kasama si Lee Jun-ki! ahahahay! sana ako nalang yon.

na-miss ko nga kayo dun eh. sigurado at first sight palang hihilahin niyo nako para pumila at makasakay dun. wow, i can really imagine kung gano kayo ka-excited. lalo na si Ana at Pres. at hindi palalagpasin ni Suzette kasi dream niya raw yun bago mamatay.

uy set, teka lang, kelan ba tayo pupuntang Japan? lam mo kung hindi pako aalis sa june, makakapunta na sana ako sa Japan. yung isang Filipino kasi dito may kilala sha sa Japan tsaka nakapunta na sha don. punta raw sa June after ng sem. gusto ko makakita ng geisha eh tapos sa Kyoto gusto ko magpunta. maganda raw dun eh. May golden palace.

haayy.... dreams. frustrations.

andami.

so ano? ayun... yoko na ngang bumalik sa pinas eh. as i've said, nagp-pile na ang mga problema ko. wala pakong thesis. sigurado sobrang mahirap pagdating ko. as in! sa lahat ng aspeto ng buhay ko.

sabi ng mga Koreans, ang number 9 ay malas. kaya malas ka sa mga taong may 9 sa edad mo. so ayun. I'm 19 years old. I can't say na naging malas ako. In fact, i experienced so many things na sa tanan ng buhay ko hindi ko na-imagine na mararanasan ko. i got what i asked for. galeng. steg db? pero malaki rin naman ang naging kabayaran ng mga yun.

minsan, di ko alam. ano ba ang mas masaya, yung mabuhay ng simple at masaya, o yung dynamic at maraming problema? san ako, sa dati kong boring na buhay o sa nararanasan ko ngayon?

masarap din sa dati. less complications. pero boring.

so i'd rather choose now. ewan. cguro marami kasi akong natutunan. marami parin ang gumugulo sa isip ko tulad ng anong gagawin ko sa buhay ko? may mga sagot nako jan. pero marami. marami pa ring "if's". pero at least may linaw na. alam ko na ang susi sa tagumpay ko ay "sipag" na unfortunately, wala ako. haha! san ba nakakabili non?

nung minsang naghihintay kami ng subway papunta sa gimikan, nagp-practice mag-korean ang classmate kong Thai at marami siyang mali. kinokorek siya tuloy nung magaling na Japanese. sabi ni Yun, "you always make mistakes." sabi ni Nuantip, "it's okay. if you don't make mistakes, you will not learn."

marami na akong nagawang pagkakamali. mga katangahan. kabobohan. marami na rin akong sinayang na oras na ginugol ko sa pagmumukmok. pero wala pa rin akong pinagsisisihan. siguro naisip ko dito na hindi bawal ang maging tanga. o maging bobo. hindi bawal ang magkamali. kasi kung di tayo magkakamali, di tayo matututo. minsan, paulit-ulit na ang nagagawa nating pagkakamali. eh ganun talaga eh. sabi ni set, "minsan, ika'y tanga" pero ayos lang din kung palagi tayong tanga. nasa sa atin naman yon kung masokista talaga tayo at gusto nating masaktan. hehe...

tulad niyan. alam ko yan. pero takot pa rin akong magkamali. yon siguro ang pumigil sa paglago ko bilang tao. mula nung grade 2 ako, natakot akong magkamali at mapahiya. hindi nalang ako nagsasalita, o gumagalaw. wala ring nangyari sa buhay ko. kaya ganun.

grabe noh? ngayon ko lang yun naisip. pero siguro minsan sa mga nagdaang taon, naisip ko na rin yun. pero nagpakatanga lang ako at hindi ko sinunod ang sarili kong payo.

sa pagtira ko dito, siguro mas nakilala ko ang sarili ko ng konti. di tulad dati na adik ako sa personality tests kasi gusto kong sabihin nila sakin kung sino ako. kahit papano, mejo alam ko na kung anong gusto ko. kahit hirap parin akong magdesisyon kung anong kakainin ko.

tulad ngayon. gusto kong magvideoke. kailangan ko kayo guys!! wohooo!! alam kong hindi niyo ko itatakwil kapag nalaman niyong kaya kong magdala ng bagyo sa pagkanta ko. haha! oi kilala niyo bako? alam niyo ba ibig sabihin non?

ang daldal ko naman ngayon.

uy lam niyo nakalimutan ko na yung spanish ko. pati nga english eh. ewan ko ba. pumupurol ako sobra. tapos kahapon nalaman kong na-miss ko na ang pagbabasa. inupakan ko yung diyaryo kahapon. wow. nagbabasa nako ng dyaryo. desperado? pero hinde... dati ko pang ginawang resolusyon ang pagbabasa ng diyaryo para lumawak ang aking kaalaman at hindi ako maging uber tanga (at malaman ko na rin na taga Poland pala si Juan Paolo Segundo). ayun wala lang oras pero try ko ulit ibalik yun. tapos nung tuesday natakot ako kasi sinubukan ko gumawa ng prose. aba! nakngkamatis! unang sentence palang hindi ko na magawa. di tulad dati na mejo madali lang sakin gumawa ng fanfic kahit one-shot. di ko lang ginagawa kasi walang matinong plot. pero ngayon marami akong plot at kailangan ko na talagang magsulat. pero wala ng skills! siyet! di bale susubukan ko ulet. baka antok lang ako nung tuesday.

marami akong naiisip gawin, gusto kong gawin, plano kong gawin pero di ko alam kung pano gagawin. pero unti-unti, as much as possible, i try to make my plans work. tulad ng nakuha ko contacts ni ms.kim at may pic na kami together. may pic pako ni yamashita at minsu. may pic pa kami together ni Yuu! hehe... babaw. pero ganun tlg. simula tayo sa kababawan. basta andun na yung habit of making things work. pwede na yun. kaya dapat:

1. masulat nako
2. basahin ko na ang TRN ko at i-criticize na. ay syet. kelangan ko pa ba ng approval ni ferlo??
3. magbasa. tapusin ang Kafka on the Shore ni Haruki Murakami.
4. ipagpatuloy ang pagp-practice ng korean para hindi mapurol lalo ang purol na.
5. bumili na ng sapatos at pants mamaya!
6. magtipid. dahil may nagpapalibre.
7. pumunta sa Jongno-(3)ga para maghanap ng drum accessories ni Gelo.
8. hanapin ang filipino resto sa apgeujong para malaman ang pagkain at presyo.
9. maglaba. wala nakong damit.
10. magsulat.magtipid.

ayan...

so pano? magpapakatanga pa ba ako? oo naman. hehehe...

Friday, May 12, 2006

presenting...

makapal na ang mukha ko ngayon kaya may picture nako with the people na masayang tingnan sa language institute. nga pala... graduation namin ngayon. ^_^



extra lang yung may chopsticks. si Minsu yang katabi ko, yung taga-ecuador. a year younger yata siya sakin pero may boses na pang 15 years old. he speaks spanish. crush ko ang pambatang boses niya na parang laging iiyak.

Yang mukhang matanda na nakaupo ay si Yamashita. Japanese. i really find him cute. hehe... la lang. alam mo yung cute na matanda? ewan kung ilang taon na siya pero working na... at may girlfriend. sila ang sinasabi kong pupunta yata sa Cebu this year. maraming pera. responsableng presidente ng class nila. thoughtful. hehe... basta!!

ayan. kelan lang, i find him cute pala. hehe... si Takahasi Yuu, Japanese kong classmate din. siya yung nanlibre sakin ng kape kahapon before exams. hehehe... ^_^ mabait yan sobra. 22 years old na siya. sabi ko nga sa kanya kuya ko siya eh. hehe.. tinulungan niya ko minsan sa assignment ko kaya perfect ako! may iba pa nga akong pics niyan eh. hehe.. teka..

ayan stolen shot habang naglalaro sila ng pseudo-soccer sa harap ng language institute. ^_^

ayan may pic nako with Ms.Kim!!! Yay!! Ang saya-saya! tapos di ko na kinailangan pang maghirap pagkuha ng contacts niya kasi siya na nauna nagsabi na tawagan at email raw namin siya. kaya nakuha ko na number at email niya!! yey!! (meron nakong contacts ni Yuu. shempre classmate) hang cute niya noh? la lang... na-late nga siya kaya di niya kami napanood kumanta ng "Arirang". Ang galing nga eh kasi siya lang ata yung teacher na kumukuha rin ng picture sa cellphone niya. yung ibang teacher kasi pumo-pose lang eh. haha! may picture kami with Marian sa cellphone niya nung nag tea ceremony.

dito naman nakisingit lang ako sa picture ng classmate ko kaya si Ms. Park lang ang nakatingin sakin. hehe... Mrs. na yan at may anak pero maganda rin ano? Ang ganda kaya niya lalo na ngayong araw na to. sobra nga ang bati namin sa kanya na ang pretty niya ngayon. on ordinary days maganda rin siya pero mukha matanda minsan dahil sa glasses niya at hairstyle na mejo magulo. hehe... sabi ko sa kanya kahapon bagay sa kanya ang kulay yellow.

class pic with Mrs. Kim! ang sobrang bait na mother-figure teacher namin. lagi siyang maraming advice. Gustung-gusto niya magpunta sa Cebu. Nung speaking test namin sabi niya sakin napanood daw niya sa tv na mahilig kumanta ang mga pinoy.

lahat ng teachers binigyan ko ng class pictures namin. tig-3 sila except kay Mrs.Kim kasi nawawala yung isa eh. hehe... may frame pa! Si Ms.Kim binigyan ko rin ng blue scarf kasi i think blue compliments her well. si Mrs.Kim binigyan ko ng brochures ng Philippines para super maengganyo na siyang pumunta sa Pinas. May letter pa yung 2. La lng... di naman ako nagbibigay ng walang letter. Kay Ms.Park naman kasi naging busy ako kaya yung frame nalang at pics. hehe... tapos si Marian binigyan niya ng copy si Ms.Kim nung pic nilang 2 tapos may card. may dedication pa from the both of us at sinigurado ko na na korean na yung letter. pero naku mali na naman yata yung grammar at translation ko ng smile. hay naku naman!! pero di bale bawi nalang next time.

hindi ako ok kanina. sobrang sad kaya ako... sabi ko naman senyo hindi talaga ako aabot eh... ang sad kaya... basta sobrang na-sad ako. yung mga classmates ko nga may certificate of excellence tapos ako transcript lang. may box ng ballpen pa sila. tapos as in last ako. lam mo yung feeling ng last? tapos ayos na nga eh, gusto ko na lang ma-sad ng tahimik tapos kino-console pako nina Ms. Kim at Mrs.Kim kanina kasi raw late ako pumasok kaya Incomplete ako. Incomplete na naman! anaknampotah!! puro incomplete ang grade. my life is so incomplete. grabe noh? hindi ako matakasan ng incompleteness. pinapamukha talaga sakin: incomplete ka! incomplete ka! tangena.

sabi ng mababait kong guro, bumawi nalang ako sa next level. ang problema, no next level for me. uuwi nako.

....

ang sad di ko na sila makikita.

Thursday, May 11, 2006

a story told the second time is not as fun as the first one

lam mo ba di ko ako sobrang nakapagaral para sa written test ko kanina sa korean! kasi kagabi nag-cram ako sa report ko sa literature tungkol sa short story. parang ferlo style? tapos inabandon ako ng 2 groupmates ko. kaya ayun. ngarag.

pagpasok ko sa classroom kanina, in state of semi-panic ako. di ko alam kung anong gagawin ko sa exam. siyempre ano pa nga ba ang gagawin ng isang thomasian? right, nagdasal nalang ako. hehehe... ayun, panic ako first question palang. di ko maalala yung grammar rule for that certain question. sa tulong ng kape na nilibre sakin ng cute kong japanese classmate, nasagutan ko na yung mga sumunod na tanong. pero grabe talaga. nabigla ako nung sinabi nung teacher na 5 minutes nalang eh kasi may hindi pako nasasagutang test tapos may part pa na draft palang nasulat ko. haay! grabecious!! nakita nga nung teacher na nagulat ako eh. hehehe...

3 parts yung exam eh. yung sumunod na exam naman, listening exam! (writing yung una) naku hindi ko na-gets yung instruction nung una kaya nag-panic na naman ako't nanghula nalang. as in hula! lam mo after nung exam, sumakit talaga ulo ko. di pa naman ako masyadong nakatulog. alam mo yung feeling ko na-strain masyado yung utak ko at will power sa pagsusumikap na maintindihan yung korean na salita. para kasi yung reading comprehension pero pinapakinggan lang. haay!

tapos yung huli reading test naman. alam mo pagmamalaki ko sayo na na-perfect ko ang reading test ko nung midterms! hehe... pero ang hirap niya ngayon in peyrness. nagtagal ako dun sa mahabang reading comprehension sa likod. ang hahaba kasi ng sentences tapos parang di ko alam yung ibang words. nyok! pero talagang piniga ko utak ko kaya hopefully tama naman yung pagkakaintindi ko sa kanya. wehehehe...

tapos ayon! ayon! ayon! grabe yung lit report ko. as in!! kung panic ako sa finals, mas panic ako dun!! as in shit!shit!shit! ganun talaga. biruin mo magrereport ako sa harap ng semi-strangers in straight english!! pero wala. kahit kelan bano talaga ako. gusto ko na ngang umiyak eh. lam mo yun i feel so desperate na talaga. gusto na nga kitang tawagin kasi alam kong mas masasabi mo yung gusto kong sabihin. lam mo yun, alam ko yung gusto kong sabihin pero di ko ma-explain? tapos di ko pa masyadong naayos yung outline nung report kaya sobrang sabog tapos... tapos... tapos yung itsura pa nung teacher parang alam mo ng sobrang mali ka na. waahhh!! pero wala akong magawa kasi hindi ko talaga masyadong ma-explain yung gusto ko sabihin. buti kahit papano may konting hinanda yung partner ko. at least hindi ako mag-isa sa pagmumukhang tanga.

hayun... at least tomorrow grad na!! ime-memorize ko pa yung Arirang. pero ang mas malaking dilemma ay......


anong susuot ko?!?!


naks. ako? namomroblema ng isusuot? ako ba yun? hehe... gusto ko ng bagong shoes!! dapat bibili ako ng damit kaya lang di ako nakalabas ngayong week na to eh. waahh! ang baboy ko na!!!

ayun... hehe...

Tuesday, May 09, 2006

oh well...

uyy... life is trying and testing my endurance... nice naman.

pano ba ko mag-aaral?! speaking test na bukas at 4th ako!! namen! ewan sige para matapos na rin. pero pano ko ba maaalala ang more than 500 words na tinuro? yun minsan ang problema ko eh, vocabulary, kahit kelan. ang hina ko talaga!! ang daming aaralin. pero mejo gets ko na naman na yung iba. siguro masasabi kong listening (and understanding) talaga ang problema ko. kung maiintindihan ko muna yung tanong sakin siguro masasagot ko naman yon ng tama.

at sana wag akong kabahan!
pag kinakabahan ako parang mga tindera ng pirated dvds na na-raid ang grammar at vocabulary ko. nagtatakbuhan lahat sila at iniiwan akong nakatanga. nahuhuli tuloy ako ng kahihiyan.

goodluck!goodluck!goodluck!

------------------------------------
uy anubayun. kamusta na kaya si ana? may sakit daw siya at di pa yata nakakapag-computer. magaling na kaya yon?

uy set, kapag nagkapera ako't nakabili ako ng call card, tatawagan kita. pramis! miss you sooooo much!!!! pa-hug nga! oist, inuman tayo pagbalik ko ha?! oi pres sama ka ha??? miss ko na ang mga tawanan natin. pero set, mas interesado ako sa kinaka-sad mo. ahehe... diba umiiyak ka pagnalalasing?! ahehehehe.... try natin kung iyakin din si pres kung malalasing. ako kaya? hehe... plano talagang maglasing anoh? de.. inuman lang. walang lasingan. unless.......

Monday, May 08, 2006

gloomy day

ang taas ng araw at ang init! feeling ko nasa Pinas ako. naisip ko tuloy kung mainit rito, para sigurong nililitson ang mga nasa Pinas. tsktsk...

di ko alam pero parang may kanya-kanyang problema ang mga tao na pinipilit nilang itago. pero kitang-kita naman sa mga mata't malulungkot na ngiti nila ang totoo nilang nararamdaman.

pati ang cherry blossom ay may matamlay na ngiti.

haaayy... ang sad... super sad.... nasa-sad ako....

tara na nga lang at managinip ng isang lugar kung saan matutupad ang ating mga pangarap at pantasya.

i hate guys

Friday.

muntik nakong maiyak dahil nalaman ko na walang kwenta yang mga lalaking yang napakahilig at kapal ng mukhang mambabae kahit may asawa na! paulit-ulit na lang yang excuses nila na "man is polygamous by nature" at yang "naging mahina ako". kung yan ang premise ng mga lalaki, malamang nga mambabae sila. ah ewan. yoko na sa kanila. mga hayop sila. mga likas na babaero! napakadaling bumigay. konting kibot lang. nalayo lang sa asawa nila, nagpunta lang sa ibang bansa, naghanap na agad ng makaka-sex nila. mga anaknampotah! wag na nga sila. yoko na.

yoko na.

bahala na.

Saturday

nag-open up si Bangladeshi guy Sumon (not Suman daw) na heartbroken.

ayun naman. ang mga lalaki talaga gusto nila na lagi silang may 'say' at ayaw nila na pinangungunahan sila. if they want time, you have to give them time. if they have other priorities, you have to let them do their priorities or else mapipilitan silang mamili at malas ka kapag hindi ikaw ang pinili nila. ouch. sakit anoh? lalo na kapag talaga mas mahal mo yung guy kesa mahal ka ng guy. yun yun eh. naku kaya pipili kayo ng guy na mas mahal kayo several times more than you love him. hay grabe talaga. ang ego ng mga lalaki kakaiba talaga.

tragic sila.

ayokong mag arab dance!!

korea forced me to dance.
once.twice. don't know why.

nung wednesday, nagpunta kami sa arab restaurant. na-curious kasi kaming magkakaklase sa infamous arab 식당 na laging pinupuntahan ng aming arab classmate. na-miss ko ang kanin ah... ehehe... masarap naman. maliit lang yung place pero maganda ang ambience. yellow light, wooden floors, isang malaking table... parang sa bahay lang. ayos ang food except yung curry na talaga naman. ayoko nung klase ng curry na parang hopia ang dating. eww.. sana nalaman ko agad na curry yun. hayop din sa sounds.

tapos tinuruan kami ng arab dance.

ayos lang... mahirap ang footsteps nung classmate ko kaya tinuruan na lang kami ng ibang step nung may-ari. masaya!! saya namin kasi sabay-sabay kami sumayaw. yoko nga eh kasi nagpipicture ako pero ang hindi sumayaw, hindi masaya. haha! ayon. ganda naman ng sounds eh... yabababa-yabababa-yabababa.... ahahaha!!!

tapos.

ang pervert nung may-ari.

pinagse-sexy dance kami?

nung una sabi lang niya, yung kayang magbelly dance, libre na raw. pero she has to strip her top. shempre walang may gusto diba?! tapos sinayaw niya yung mongolian na magaling sumayaw tsaka yung chinese classmate namin na si yamei. nasayaw niya rin ako pero parang tipong ballroom lang yon.

tapos habang sumasayaw yung iba, nagv-video ako. nakunan ko sa video nung hinawakan nung may-aring perv yung pwet ng Thai classmate ko. sayang di ko dala camera ko ngayon para ma-upload ko yung video. papakita ko senyo next time. grabe! tapos nun nagform ng circle tapos pinags-slow sexy dance niya lahat ng babae. siyempre ayaw namin pero wala, tulakan sa gitna (pagnagkakatulakan na kami sa gitna ng bilog, wala kang magagawa. kailangan mong sumayaw!). so malamang ang tanong mo, "sumayaw ka ba?" hulaan mo.

tapos nun, nagkatawanan kami nung mga japanese. sabi ko kasi hentai yung may-ari. hindi yata nila in-expect na alam ko yung term na yun kaya nagulat yung isa tapos tinanong kung bakit alam ko raw tapos sino ang nagturo sakin. hehehehe..... ayun naging joke na namin yun, hentai ajoshi...

hindi naman perv mga classmates kong lalaki pero hindi naman sila santo. wala namang umangal pero wala namang eager na eager. hehe.. sabi nung may-ari, "the girls here? you're no fun! except that girl (referring to the mongolian na magaling sumayaw)" pano gusto niya gawin namin yung ginagawa niya na hinahawakan yung nipples. kadiri talaga yon.

sana kasi sumama samen si ms.kim eh... edi sana may bumatok sa DOM na yun! pramis! itsura pa lang DOM na talaga. post ko pic next time.

pero sa tuwa ng classmates ko sa Arab dance (yabababa, yababa-yababa), nag-volunteer sila na mag-arab dance sa graduation bukod pa sa pagkanta ng arirang! nasabi ko na ba yon? aaahh! pero saya, meron kaming class presentation di tulad ng iba. ^_^ go Na-ban!!

Saturday, May 06, 2006

pathetic fallacy

nagising ako sa ibang kama, sa ibang kwarto.
nagsama-sama ang mga malulungkot sa buhay kaya't nagpa-morningan kami dito.
sayang walang alak.
haha! jokes.

kaya hindi pako naliligo,
di ko pa hinuhubad ang damit kong namantsahan ng bulgogi sauce ata.

magdamag umulan at umuulan pa rin
kaya tulog sila
at ako hindi

masaya lang damayan ang ulan

umuulan.

at umuulit sa utak ko ang kantang "Ulan"
kaya kailangan ko nalang lunurin ang tenga ko sa ost ng Full House
ganda pala noh?
magb-burn nga ako ng OST nito

may 6 na ngayon.
wala lang.

dapat ba akong magsaya
o malungkot?

pero dapat masaya
dapat masaya
at ngumiti
dahil may dahilang sumaya
dahil masaya
oo nga masaya nga.

gumuguhit ang patak ng ulan
sa salaming bintana.

kantahan mo naman ako... pu-lis?

kantahan niyo naman ako... la lang... hehe... ang cute lang. yikee! mushyness! yikkeeee!! la lang, sana may kumanta saken. ang cute eh... ay nasabi ko na ba yon? ang sweet lang. hehe...

pinanood ko lang yung singing scenes uli dun sa lovers in paris. nung nag-piano si Park tapos kumanta rin yung si... si... nakalimutan ko korean name niya. si Vivian. ang cute anoh? aww...

gusto ko lang talagang kinakantahan ako.

when i come back, will you sing me to sleep?

pati ba naman sa panaginip!

napanaginipan ko sabi niya:

"di na raw kita mahal sabi ni Diana"

sino kaya si Diana?!?! kung sino man siya putangena niya. haha!

tapos may mga taong gustong magkulong sa kanya dahil daw sa "neglect" sa negosyo which is supermarket. at napanaginipan kong hawak ko yung kamay niya ng mahigpit. parang totoo. parang sobrang totoo. grabe parang sobrang totoo. at kahit kaibigan lang ang role ko dun sa dream, nag-ala lawyer ako dun at kinuwestiyon ko yung maraming laywers na against sa kanya. "anong grounds niyo for neglect? nasan ang statistics? dapat may statisctics kayo!" tapos may sinabi sila eh pero binara ko parin sila. haha! ewan ko ba kung san galing yun...

Friday, May 05, 2006

in reply

la lng... hehe

"onga. be happy ang smile alwayz pero not to the point na mukha ka nang baliw okeyz?^_^ haha may nagsabi sakin na ako raw yun, haha baliw."

ay alam niyo ba, nagawa ko na to eh. sa classroom kasi kinikilig ako tapos the whole time, nakangiti ako. hindi yong normal na ngiti ha. as in grin... ayun. haha! tapos nahuli pako ng teacher ko na naka-grin na mejo spaced out pa (daydreaming). kaya tinanong niya ako kung naintindihan ko raw ba yung sinabi niya. hahahahaha!!! ayun basta nung araw na yon sa school sobrang hindi ko lang mapigilan yung ngiti ko. harhar! bangag.

"tulog ka pa....
malay mo, bukas paggising mo, uuwi ka na...
gusto mo pa ba umuwi? gusto mo pa ba yung babalikan mo?"


alam mo, minsan di ko alam. takot akong pagbalik ko, wala na pala akong babalikan. buti nga yung nandito ako, pwede kong lokohin ang sarili ko sa kung anong pantasya ang gusto kong isipin. hehe... drama. mushyness!! weh!! hindi... siyempre gusto ko ng bumalik anoh!! miss ko na kayong lahat!!! May na nga anoh... malapit na rin akong umuwi. ilang tulog pa... sana di pa masyadong ubos ang brain cells ko paguwi kasi kailangan ko sila paggawa ng thesis. ahehehe...

"....anyway astig naman ng mga thoughts mo,hehe pwedeng pang fanfic! :D "

yun nga eh... ang problema, ako etong tamad.

"dupong dupong..hmm parang may tagalog word na ganun, ay nyek di pala, dugong(ung hayop na parang walrus) pala iniisip ko hehe, pero parang nakakatawa pa rin name nya,hehe lalang :D sino ba crushes mo? patingin namn! akala ko ba walang gwpo dyan? wah buti ka pa! ang cute nga ni ms. kim,nkita ko sa friendster mo. wah, nakita ko din ung inspirations mo, bkt wala kami ni pres dun? ='(( wahhhh

...daming beer dun sa isang pic ah,painom ka rin pagdating mo ah!
P.S. bakit ms. kim pa rin kung may asawa?? "


wala ngang gwapong koreano... japanese naman yung crush ko ah! hehe... at!! siyempre cute si ms. kim. mas cute kaya siya sa personal eh. somehow, she looks her age pag nasa picture pero sobrang hindi kaya sa personal. haha!! tampururos si sets... de.. nasa wallet ko naman kayo eh kaya nakikita ng mga classmates ko pag nagbubukas ako ng wallet. tapos lam mo ba nung presentation ko nga pinost ko pictures ko niyo eh tapos nakita nilang lahat! hehehehe... kay gaganda nga naman!

tinanong nga rin nung classmate ko kung bakit ms.kim ang tawag ko. sabi niya, "why ms.kim? she's married right?!" kasi po dito sa korea, napakaraming kim ang apelyido. 2 ang teacher ko na kim na may asawa kaya siyempre dapat may distinction. eh since she looks "miss" to me, edi ms.kim!

"loneliness lang yan@_@ huhuhu i feel so lonely tonight, bigyan mo nga ako ng lalake ahaha...

sana may slumber party tayo ngaun..hay mangolekta ka ng mgndang koreanovels dyan ah hehe, sabay-sabay nating panuorin:) "


haha! mangolekta ng videos ha?! ang mahal naman eh. try ko nalang bumili nung the king and the clown. nandun yung cras ko!!! wahahaha!!!

"haha at bakit mo naman gustong lumaki boobs mo?@_@ yikee may sineseduce ata...nyahaha...hay kakatapos lang ng exam, tapos 3 day break, hay anong gagawin ko? wala akong magawa, tapos crushless pa, nyeta, naiisip ko tuloy ung dati kong crush >_< hehe="">

P.S. sabihin mo sakin pag gumana ung fries^_^V teehee "

yuck! walang dahilan kung bakit gusto kong lumaki boobs ko. la lang, speculation lang... lumiliit eh.. haha! onga, ang hirap talaga ng walang crush. naalala ko dati nung wala akong crush bukod sa isang certain guy na pupunta raw ng canada na nagttrabaho na sa makati ngayon (haha!)... la lang... malungkot...

si yamashita naman... la lang, may girlfriend na yun. magbabakasyon nga raw sila sa Cebu ngayong june or july yata. hehehe... wala naman yun! masarap lang siyang tingnan. parang cute for a japanese. nga pala set, tingin ko gumagana yung fries ^_^

"hmp ako kaya nagpadala nyang flash na yan sa email nyo, tsk i feel left out, unappreciated! wah=P hmp baka naman di mo ako nabanggit ni minsan dito sa blog mo ah, *singhot* hmm pano naman ung pasalubong ko???(dapat pala comment tong pasalubong dun sa next entry mo, ehehe nakalimutan kong itayp kanina) "

oi set, hinahanap kaya kita ng pasalubong... diba sabi mo yung wala sa pinas? kaya lang... ibibili kita nung mug na may mga drawing ng kamasutra korean style. haha! ano ba gusto mo in specific?


Monday, May 01, 2006

jumal-e muos-eur haesoyo?

anaknampotah!!!

aaghh! ang saket ng katawan ko ah. kasalanan to ng korean circle dance kahapon. agh! kakapagod.

teka simulan natin.

Nung sabado, nakipag-meet kami kay Mr. Gregg, taga Philippine Embassy at nilibre niya kami sa Sorente, isang Italian restaurant yata. Kumain kami ng pasta tsaka pizza. Ayos ang sarap. Libre eh. hehe... dun yun sa Itaewon (as if alam niyo kung saan yun dba? hehe). Newei, malapit yon sa Philippine Embassy. Nga pala si Mr. Gregg ay kamukha ni Sir Mabahague sa unang tingin pero kamukha talaga ni Arnel Ignacio pag matagal na. Pati ngiwi ng bibig parang si Arnel. haha! kala ko nga bading eh. mabait siya. binigyan niya kami ng isang case ng sprite in can. dapat paghahatian namin pero napagdesisyonan naming ibenta nalang para mas masaya!

Tapos nun nagpunta kami sa patahian kasi gusto ni Marian ng HanBok, ang national costume ng Korea. Gusto ko rin kaso sayang ang pera, hindi ko pa magagamit. Siguro kung marami akong pera, pwede pa for collection. Buti ko kimono yun, pwede pa. hehehe... Tagal nga magdesisyon ng color combination eh. Pero ayun natapos din.

Babalik ako dun sa Itaewon. Gusto ko bumili ng damit.

Uso ba ang heartbreaks?

La lang, break na sina ate Jeanette at ang bangladeshi guy niya. lungkot... cry cry... gagu nga yun lalaki eh. la lng... parang wala lang. gusto ko nga siya saktan eh. la lang.... gusto ko lang manakit ng tao dahil ako'y lito.

Nung gabi nanood kami ng Lord of the Rings 3. hehe... di ko pa yun napapanood eh. Isa pa, libre yun at may libreng coke and popcorn pa! San ka pa!! hehe... English naman eh tapos may korean subtitle. nalilito nga ako minsan kasi gusto ko rin mabasa yung korean.

pero habang nanonood, ako'y nagiisip. ng ibang bagay. tulad ng kung bakit dapat maghiwalay ang mga nagmamahalan.

Sunday.

Gumising ng maaga para magsimba. Maaga? haha! late nga ako eh. iniwan na nila ako at pumunta ako sa malayong simbahan mag-isa. puno na ang kapilya kaya tumayo nalang sa likuran. hindi rin ako nag-communion dahil nga lito ako at feeling ko hindi ako dapat mangomunion. la lng...

tapos kain.

tapos nore-bang! videoke!!!

kalain mo? dapat kakantahin ko ang mashokista song ko para kay ate Jeanette pero dahil nahihiya ako dahil may mga kasama kaming hindi pinoy, napilit na lang akong kumanta ni Joseph (isang kano) na magduet kami sa Heal the World ni Michael Jackson. fine. cge kanta lang. para magkaron ako ng 'I Sang a Song' certificate at makalabas sa nore-bang. ayun. survive naman kahit hindi ko naririnig ang sarili ko.

Tapos yun. Namsanggol Traditional Village kung saan kami nagpaikot-ikot, nagpatalon-talon at nagpatalon-talon at nagpaikot-ikot. sakit ng katawan ko ah. pero masaya. bikonhannde, jemi-isossoyo! hahaha!! tapos gumawa pa kami ng flag at nanood ng performance nila. nagpichur-pichur... haha! kakatawa nga eh kasi yung performer pa ang pinakiusapan naming picturan kami pagkatapos. kapal muks! haha! naglaro rin pala kami. tug-of-war tsaka sa flag. nakangiti ako pero iniisip ko, 'anong sasabihin ko? uuwi na ba ako? anong ginagawa ko?' Anong ginagawa ko? di ko alam, basta hindi ako totoong masaya. Ang awkward lang ng feeling na nagsasaya pero hindi ka talaga masaya.

tapos nanood ng parade para sa birthday ni Buddha. galing noh? sine-celebrate pala yun? Ang birthday niya pala ay May 5. kumain kami pagkatapos sa isang resto kung saan niluluto sa table namin yung pagkain. at uminom ako ng soju. one-shot! woohooo!! parang isoprophyl alcohol.

at ngayon, nakita kong ngumiti ang cherry blossom.