How can I make it through the day Without you You have been so much a part of me (and if you'll go) I'll never know what to do How can I carry on my way The memories When all that is left is the pain of my history Why should I live my life today I cannot live out on my own And just forget the love you've always shown And accept the fate of my condition Please don't ever go For I cannot live my life alone Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away How can I make my dreams come true Without you You were the one who gave love to me (And don't you know) You are my fantasy I cannot live out on my own (I can't do anything at all) And just forget the love you've always shown And accept the fate of my condition Please don't ever go For I cannot live my life alone Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away

Friday, April 28, 2006

nobody needs to scold me

... my conscience does a pretty good job at it, thank you.

sabi ni ms. kim, kaya raw magaling si Ae sa korean kasi lagi siyang nagsasalita "...많이 이야기해요" (nababasa ba sa computer niyo? on niyo yung sa language. magp-prompt naman ata). ayun, alam ko namang gets ko ang mga bagay-bagay at alam kong kaya hindi ako magaling ay dahil wala akong practice dahil (1) walang kausap (2) masyado ng malakas ang paniniwala ko na hindi ako marunong kaya busted ang buong system kapag nagsasalita na.

just this day, mukha na naman akong tanga. ahh!! i can't stop being so stupid. Nabanggit nga yung tungkol sa kuhanan ng certificate. sad ako kasi isa ako sa 2 hindi makakatanggap ng award sa section namin. and sad ko... gusto ko may award din ako eh. hehe... kaso mahirap talaga habulin yung average ko kasi mababa yung prelims. pano ba??? papa-practice ako kay kuya Arniel na super masigasig.

Return ako sa Insa-dong with Marian this time. Naaantok ako kaya di masyadong enjoy. Except bumili kami ng salted potatoes tapos strawberry shake for me! have to treat myself. Mag-spaghetti kaya ako ulet mamaya? we'll see...

ay pres! nakakita nako ng tsinelas mo!! ^_^

tapos Ana, matutuwa ka sa Insa-dong. hehe... pag may pera ako, I'll buy you everything that I think you would like.

aww... matatapos na ang korean class.... mami-miss ko silang lahat. things to do next week: (1) pictures to da max!! (2) get everyone's contact in korea at sa bansa nila, addy, email and birthday including sina 선생님!!! (3) think of something to give them (4) give brochures to ajumoni seonsaengnim.

at!! post advertisements para kumita na. i need to work. sana may student na makuha ang aking tutor. para masaya!!

why am i so dark and panget???

Oo

Oo
Up Dharma Down
`
'di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
'di mo lang alam
Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon
At ngayon ako ay iyong iniwan
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang
Kung 'di mo lang alam
`
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa'yo
`
Lumipas mga araw na ubod ng saya
'di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala patawad na sana
Puso kong pagal ngayon lang nagmahal
`
'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
'di mo lang alam
Ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam
'di mo lang alam
`
Kahit tayo'y magkaibigan lang
bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman
Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
`
'di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
`
'di mo lang alam
ika'y minamasdan
Sana iyo'y mamalayang
hindi mo lang pala alam
Oooooooo
Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam
Ako'y iyong nasaktan

nakaka-relate ako... hehe... pwera sa regret part...

Thursday, April 27, 2006

delubyo

yuck, gusto kong maiyak sa video na ito: http://www.exoload.com/306/1143081078.swf thanks prez. sarap. galing ano? gawa ka rin... hanubayan! gusto na naman ng sistema ko na bumalik sa pagkahumaling ko sa flash at html. huli nako masyado sa balita. wala na akong alam sa mga ganyang bagay. haaayy... nakakalungkot. outdated.

Ulan

Lagi na lang umuulan
parang walang katapusan
tulad ng paghihirap ko ngayon
parang walang humpay
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
na limutin ka
ay di pa rin magawa

Hindi naman ako tanga
alam ko na wala ka na
pero mahirap lang na tanggapin
di na kita kapiling
iniwan mo akong nagiisa
sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

Pero hwag mag-alala
di na kita gagambalain
Alam ko naman ngayon may kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sa'yo
na tuwing umuulan
maalala mo sanang may nagmamahal sayo.....

Lagi na lang umuulan

parang walang katapusan
tulad ng paghihirap ko ngayon
parang walang humpay
Iniwan mo akong nagiisa
sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

Pero hwag magalala
di na kita gagambalain
alam ko naman ngayon
may kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sa'yo

na tuwing umuulan
maalala mo sanang may
nagmamahal sayo....ako
LaLaLaLaLaLa..........

umuulan pa ba sa pilipinas? hehe... nakita ko yung forecast nung sunday umulan ba? haaaayyy... ang ganda talaga nung flash. nakakaiyak. nakakalungkot. saya. maganda. nakakaiyak!! waaahh!!! >_<,

James couldn’t helpbut leave a parting message to his mother-in-law. “Ma’am Cory nasa mabuting kamay po ang baby at apo ninyo. Mahal na mahal ko po silang dalawa.”

... awww.... wala naiiyak na naman ako. ano ba?! hehe...

sabi ko, every man is an island. sabi ko, bawala dumepende. pero ang totoo, ayoko nun. gusto kong dumepende. i know myself and i know for a long time that it's what i really wanted--or who i wanted. someone who would never tire of holding the umbrella for me when it rains. payungan niyo naman ako. basang-basa na ako eh.

my muse really wanted me to write. araw-araw niya ko pinipilit magsulat. pero ayoko. oo, matagal ko ngang hinintay ang pagkakataon na to na pilitin ako ng musa ko na magsulat. pero mahirap pala yon. sabi ni wordsworth, poetry is "the spontaneous overflow of powerful feelings from emotions recollected in tranquility." at ganun din sa ibang literature siguro. the thing is, i don't want to recollect.

tigilan ko na nga tong pakikinig sa ulan at manonood nako ng full house--in korean (pero shempre subtitled). ^_^

Wednesday, April 26, 2006

tumatawa nalang dahil walang alam, umiiyak dahil sa mga nalalaman

So which do you prefer?

ang saya ko kanina dahil bukod sa nakita ko na si Yamashita na absent kahapon (kakaawa nga kasi may sakit siya... aww...) nakita ko pa si ms. kim ng 3 beses. hehehe... dapat pala lagi akong lumalabas pag break eh. saya naman...

nag-role play at as usual, i looked stupid.

kanina may picture taking ang mga selected students para sa bagong homepage ng language institute. kasama si marian dun kaya sinamahan ko na rin. nakita ako ni mrs. kim (iba si ms.kim kay mrs.kim. mas matanda etong si mrs. kim) at tinanong kung busy raw ba ako. sabi ko hindi tapos niyaya ba naman akong sumali sa pictorial?! sabi ko ayoko. sabi niya "you should". in korean sabi ko i hate pictures. hahaha!! tapos aba, close kami ni mrs. kim... nakailang pabirong palo siya sakin noh. hehehe...

mabait rin yong si mrs. kim. napaka-amo ng mukha niya. kung nanay ko siya, ay sos! sobrang guilt-trip siguro kapag ginalit ko o pinaiyak ko yun. mabait siya, laging nagbibigay ng advice sa kung pano kami gagaling sa korean. sabi niya gusto raw niya pumunta sa Cebu. hehe... bibigyan ko nga siya ng brochures bukas...

anyway, wala kaming sukje kaya pumunta ako sa Coex mag-isa dahil may napakalaking bookstore daw dun. pumunta ako mag-isa dahil may gagawin daw si Marian. (ang sad noh? i actually have only one person who i can tag along... actually pwede si ate regina or si michelle kaya lang di ko alam contact nila) then ayun medyo nawala nga ako eh. hehe.. napakaraming buildings at kahit nasa nguso ko na pala ang Coex eh hindi ko pa rin yon nakita. tapos napakalaki pala ng Coex. nakakahilo. pero dahil matulungin ang mga maps sa paligid at signs, nakita ko rin ang bookstore. at napakalaki nga!!!

grabe ang daming libro. yung mga libro dun eh mahigit pa sa pinagsama-samang libro ng sampung national bookstore. enough na na marami shempreng korean books pero marami rin ang english books! grabe di ko alam bibilhin ko. mga libro na di makita sa pinas. (o hindi ko palang talaga nakikita) ang saya. may kamahalan nga lang pero ang gaganda ng libro! nakakalula. ang saya! di nga lang ganun kasaya kasi wala akong mabili dahil (1) wala akong pera at (2) hindi ako makapili sa dami ng gusto kong bilhin. pero i decided na mag-research kung ano ang magagandang libro or makakatulong sa thesis ko bago bumili. im definitely coming back.



magbabalik ako sa luma ko pilosopiya na "every man is an island". totoo naman. yun ang fact na hindi natin maiiwasan. kahit anong mangyari, mag-isa pa rin tayo sa mundong ito. bawal dumepende. do not hold on to something or someone too much. lalo na pag di ka sigurado sa tibay ng sinasandalan mo. baka magulat ka nalang gumuho ang pader at kasama kang guguho. tsk tsk. kung sigurado ka, tried and tested na, edi mabuti. edi masaya...

pero siguro mali rin ako. feeling ko lang siguro ina-isolate ako. correction sa iniisip mo: i know when i isolate myself. wala akong reklamo dun. i sometimes want my peace.

siguro i just know kapag rejected ako. ayoko ng feeling. kaya sana hindi ko nalang nalalaman.

naku eto ang ayaw ko sa pag-iisip eh. sige na nga, kakain nako ng fries. baka sakaling lumaki ang boobs ko. harhar!

Tuesday, April 25, 2006

i don't understand

i am happy. i'm happier than before.

but these past few days, i feel like something bitter's eating me up and i can't pinpoint exactly what. so it's like i'm half ecstatic, half bitter. day and night.

naka-puntos na naman!!


presenting..... Du Pong!!! (and emma)

Nag-tea ceremony po kanina. saya! hehe... ang classmate ko na si Du Pong at classmate ni Marian na si Emma ang nag-serve samin. pinanood namin sila. madali lang, pero mabagal sobra. Ceremony kung Ceremony talaga. may music pang katapat yan! para nga akong nanay niyang si Du Pong. Ang dami kong kuhang pics niya at may video pa!! hehe... wala kasi siyang camera. eh naisip ko shempre memorable moment niya to kaya yun kinunan ko ng kinunan. masarap pala ang mogwa tea. di ko alam ang mogwa sa english eh. hehe...

at higit sa lahat, nakakuha nako ng pics ng 2 kong crushes!! bwahahahahahaha!!!! :D

saya talaga ng may camera. kanina, nagf-feeling paparazzi ako kahit alam ko naman na pwede ko nalang sabihing mag-pose sha for my cam. hehe... la lang... the thrill...

at kanina rin pala ang aming presentation. haaayy... nag-pay off din yung pagp-practice. sabi ni ms.kim, i did better in the presentation than in class. hehe... in fairness, mejo mas magaling ako sa iba kong classmate in terms of memorization. di nila kinareer ang pagmememorize. di ko rin naman din kinareer pero inayos ko yung speech ko in such a way na madaling tandaan yung next paragraph. kumbaga in sir satoquia's terms, may transitional sentence. tapos may pictures pako ng pilipinas at pictures ng pwends. hehe...

si ms. kim... ang paborito kong guro. hang cute kasi niya. haha! ende... sabihin na nating mas may personal connection sha with her students kesa ang ibang teacher. siya ang taong nakita ko na talagang ^_^ ang mukha kapag ngumingiti. i had the chance to talk with her kanina. mejo nakakahiya lang kasi hindi ako marunong mag-korean. di ko alalain sobra na 34 yrs. old na pala sha. sabi ko she looks so much younger and i thought na wala pa shang asawa. sabi niya may mga nagsasabi na rin daw tsaka yung boses kasi niya nakakabata rin sa kanya. sabi nga niya may 2 anak na sha. sobrang hindi halata.

mag-aaral na nga ako para hindi naman ako mukhang tanga...

Monday, April 24, 2006

how can i stop grinning?

ayan ayan ayan... anong meron ang taong happy? yes! ganda points!! woohooooo!! nasabi na rin ang matagal ng dapat sabihin. evil plot done. aroused the right curiosity. everything went according to plan. perfect timing. success!! and guess what? ang saya! bwahahaha!!! haaaaayyy.... namen!

nagpractice ng speech. goodluck talaga bukas!!

natutulili na raw siya sa boses ko kaya minabuti na niyang pagbawalan akong kumanta. haha! tama yan. yun na nga lang ang nakapagpapasaya saken pinagbabawalan pako! talaga naman ang buhay ko. lahat na lang hindi ko pwedeng gawin. ang saya-saya noh? bad trip yun. saya na nga ng araw eh tapos... pag nakita ko yun susungalngalin ko yun eh. palibhasa hindi sha naghuhugas ng pwet.

ano kayang kakainin ko? baka naman pati kumain bawal pa rin.

Sunday, April 23, 2006

memories of "Memoirs of a Geisha"

For the second time, I've watched "Memoirs of a Geisha" and with it came good memories. It made me smile, it made me dream, it made me fall in love... Hearing and watching Sayuri recall her life has made me, somehow, remember parts of my life--or at least a particular day when I was called "boring" because I didn't want to watch a suspense-thriller film. How can I forget the day when I had too much fries that I couldn't even eat them all? Remembering made me long for the extra sweet sundae with jelly-o at Mcdo. It was so sweet, I miss it. In fact, I miss the sweetness so much and I don't think I'd ever find a sundae as sweet as that in Korea; and I guess Mcdo will not offer it again. And even if they do, I don't think it would be as sweet as it passed my throat that night. Yeah, moments do fleet faster than my taste buds could register any other taste; and if I'd known that before, I guess I should have taken a picture of it. But then...

"no one can stop the flow of time.
but a picture kept inside a heart
wil always be there.
deep within, the picture will be displayed
and it will forever touch the heart...
sweetly...
bitterly..."
I've never given much thought on the question of believing in destiny. But I think I'm believing it now, though not entirely. What we are partly decides what we will be. There are just some things that we cannot avoid. Ah, not some things but a lot of things--a whole lot that it makes us think sometimes that we are being controlled by an unseen force (otherwise called as destiny) like a puppet, played at will. It sucks, I know. We are all victims of it. We dream dreams and yet we are so much hindered by so many things. I've thought before that believing is enough; but I've learned that each person is over-determined by so many factors that sheer will power is not enough. Perhaps, I should learn when to fight some more, and when to finally give in.
But then, fairy tales sometimes do come true. "Memoirs of a Geisha" afterall is a true story and if she believed--took each step of her life towards one dream of having the love of her life no matter how long and hard it takes-- and ended up happy, then it could happen to anyone. It could happen to me.
<*sigh*> I guess a fairy tale is not the kind of life my destiny chose for me.

Saturday, April 22, 2006

club the hole

ops! wag nyo na pag-isipan yang amerikanong nasa harap. may asawa na yan. hehe... (mula sa kano: Ric(american), Yun(japanese), ako, Jessica(frm Hongkong), Yae-gun(Taiwanese), Ishii(japanese), Du-Pong (Chinese), Angie (mongolian), Nuantip (Thai), Uyagong (mongolian; name not sure; di namin classmate, bestfriend lang ni Angie)

kahapon birthday ng aking classmate na si Nuantip or 애 (naka-brown) kaya kagabi nag-celebrate kami. Kain at yun... saya! may surprise pa silang cake for her. sarap nga eh, strawberry cake. yum!

haaayy... ang panget ko talaga.

Thursday, April 20, 2006

hindi mapigil ang ngiti

mid terms sa literature. haha! ewan. parang ewan yung exam. pero at least ayos lang din. hindi siya pang tanga and at the same time hindi naman uber hirap. nakasagot naman ako kahit pano. nyehehe... nung una talaga may mga identification. dapat memorize ang titles at ang author/poet. sus, di ko nga ginagawa yun sa lit classes sa ust tapos dito magme-memorize. nag-memorize naman ako konti kagabi kaya kahit papano survive. tapos andaming essay. halos puro essays nga eh. tapos 1 hour and 15 minutes lang yung exam. saya noh? tapos ang ginaw pa sa room kaya medyo mahirap magsulat kasi naninigas na yug kamay ko. pero deadma lang. nung ngang naghi-hint na yung prof na time's up na, di ko pa nasasagutan yung isang essay eh. tapos di ko pa man din alam kung anong gusto niyang sagot sa tanong na yun eh 15 points pa naman!

mid terms sa literature. dapat before 1pm (which is ang uwian ko sa korean class at ang start ng exam) umalis nako sa korean class. pero hindi nag-stay ako. 15 minutes before class, dapat aalis nako eh since tapos na ang class proper at pinapapunta raw kami sa 309 para sa joint class korean session. tapos na-realize ko na joint class yun at makikita ko ang mga cras ko at si _____ kaya hindi ako umalis. harhar! parang tanga. nagpaka-late sa mid-terms para masilayan lang ang mga cras ko. bwahaha!! oi in peyrness talaga... pero hindi sila Korean ha! yung isa cras ko (di ko nga alam ang name nun eh) taga-ecuador. bata pa yun eh, 17 o18? basta cras ko siya kasi ang cute ng boses niya, parang iiyak. lam mo yung boses na hindi pa nagbibinata? naku hindi pa yata tuli yung batang yun eh. hahaha!! yung isa naman si Yamashita, Japanese. Mejo matanda naman. May work na nga sha dito eh pero wala pang asawa. Una ko siyang na-meet sa first day ko sa class nung mag joint class session. ininterview ko sha at pinagtiyagaan nya ko kahit wala akong alam. mukhang matanda pero cute. basta walang pakialamanan! hehe... kasama pala nung ininterview ko siya ay ang pagbigay niya skin ng name, email at phone number niya. hahaha!

pero hindi sila ang dahilan kaya hindi mapigil ang ngiti ko. sus! I could live the day without them.

ako? adik sa pagpipichur-pichur? hindi noh! mukha lang adik kasi 1,000,000 times yata bago makakuha ng "pwede na" na kuha. ba't naman kasi ampanget-panget ko. buti pa si Mary anoh? super photogenic.

<*sigh*> ^____^*

Wednesday, April 19, 2006

ahahay!!

wow naks naman! kalain mong naka-9.5 over 10 ako sa lab test namin last time? kalain mo?! at take note, nung umaga lang na yun ko binasa at minemorize yung notes. grabe ano? kung kelan talaga hindi kinakarir don tumataas ang grades. namo kanina, nag-memorize ako kagabi pa tsaka kaninang umaga pero tingin ko 5 lang ako eh. anu ba yun?!

di ko nakwento kahapon, ka-elibs si Ms. Kim!! marunong sha mag-yoga. stig... haaayy.... saya!

aww.... sayang hindi kami nakagala ngayon. pupunta sana kami sa lugar na maraming cherry blossoms eh. kaso naman umulan! edi shempre ampanget ng cherry blossoms. grabe talaga nako sayang kasi nawawala na ang mga cherry blossoms. hindi ko pa napipichuran. mananatili nalang sila sa utak forever. nyahehe... tulad ng snow na hindi ko rin napichuran. harhar!

haaaayy.... uy!uy!uy! hahahaha!!! may bago nakong T.Lei! hahahaha!!! saya-saya!!

Tuesday, April 18, 2006

anong meron ang taong happy?

digital camera.

wahahaha!!! ang nice noh? nakabili na rin ako sa wakas. yes! kinailangan ko na kasi bumili kasi nalalagas na ang mga cherry blossoms. kaya yun. hehe... buti nga hindi masyadong mahal ang pagkakabili ko eh. well mahal pero not as much as i expected. hehe... saya!

feeling ko guinea pig naman ako kanina. haaayy... si ms.Kim kasi eh lagi akong tinatanong at the beginning of the lesson. eh pano ko naman kaya malalaman ang sasagot ko? sobrang mukha tuloy akong tanga. well anyway at least hindi mean ang mga classmates ko at hindi nila ako masyadong pinagtatawanan. tinutulungan pa nga nila ako eh. nawiwili na nga yata sila sa pagtulong kasi sila na ang sumasagot for me. haha! ang bagal ko naman kasi mag-isip eh. hehe... buti hindi katulad ni senora ang mga teachers dito na nagagalit kapag may tumutulong. grabe naalala ko nung nagalit talaga si senora saken. sabi niya, "You're so rude!". uy teka, ano bang ibang pagkaing pinoy ang pwede kong sabihin pag tinanong ako? puro adobo naman ang sinasabi ko. spaghetti naman kasi ang laman ng utak ko.

lesson por da day: do not hold on too much on something.

well, yun nga. personal fault siguro. hehe... pero ganon na talaga ako. it's as if I have to constantly hold on to something para hindi ako mawala. hmm... sabi ni T.Leslie, "Nothing is impossible if you believe". ganun din ang laging sinasabi sa mga napapanood ko. believe, believe, believe. but i'm still expecting the worst in my life.

ah! whatever! can't explain. gutom na yata ako. yikes! ang tabataba ko kaya. hmmm... makapag-ice cream nga. hehe...

yay! may camera nako! yay! yay! yay! yay!!! mapipicturan ko na ang roommate ko pagnakalabas ang dila niya habang natutulog. bwahahahaha!!! :D

hay naku, mula ngayon magkakaron nako ng schedule sa buhay. sobrang maga-allot nako ng oras sa lahat ng gagawin ko-- pagsusulat, pagbabasa, pag-aaral, paglalaba, paggala, pagco-computer, pagtulog at pagtunganga. naks! time management! madami lang talaga akong gustong gawin na hindi ko nagagawa. kailangan ko pa pala mag-isip para sa thesis. maraming oras na ang nasayang ko sa pagpapakabulok. nasasayang ang utak ko, wala namang gustong bumili. tsaka kailangan kong isaalang-alang ang pagtulog ko dahil baka yon ang susi para gumaling nako sa korean class. lagi kasi akong inaantok eh. sa Pilipinas nga, binibilang ko at sinisigurado na 8 oras ang tulog ko tapos dito less than 7 lagi? (except on saturdays)

hala, lab test na naman bukas. hindi ko pa naman masyadong gets yung mga lesson. haaaayyy... minsan kahit gusto mo talaga yung teacher wala pa rin eh. o talagang pumupurol nako? dati naman kahit sa science gumagaling ako kasi crush ko yung teacher (sino kaya yun?). pero hindi talaga kinakaya ngayon eh.

napakaraming sukje. cge na, oras na para mag-aral!

Monday, April 17, 2006

tuliro sa buhay

Hey Ana, this new blog doesn't commemorate the new me. There is no 'new' me. Tuliro lang ng konti pero no new me, ok? Just don't want to go back to the past. I'm still me. Tamad pa rin, magulo, bangag... ganun. ako pa ren. pero yoko ng balikan yung mga dati kong bitterness.

Pathetic ko talaga. Naiyak ako sa room kanina. Pero di naman iyak na iyak. Naluha? Pero wala namang nakapansin eh. Pano kasi naf-frustrate ako sa lesson namin kanina. wala kasi akong maintindihan sa mga pinagsasabi nung teacher. kahit favorite teacher ko siya wala pa rin akong maintindihan. siguro dahil may new seating arrangement at nawindang ata ang utak ko. basta nahihiya ako sa sarili ko't wala akong masagot na matino sa mga tanong niya. Nage-gets ko naman yung gusto niyang mangyaring sentence construction pero di ko pa rin maintindihan ang sense nung sentence. sabihin na nating, di ko ma-translate sa english. hay naku! akala ko nung first period namin, antok lang ako't magiging maayos din ang lahat katulad ng mga ibang araw. pero hindi. hanggang matapos ang period, naka-kunot pa rin ang noo ko dahil di ko maintindihan. hindi ko naman kasi matanong yung mga katabi ko. na-stuck ako sa gitna ng dalawang Hapon! ay okay nga sana eh kasi gusto ko rin namang matutong mag-Japanese. pero pano naman kung hindi ko rin maintindihan tong korean. di naman sila marunong mag-english kasi kaya hindi ko sila basta matanong.

yay! may gimick daw sa Friday. Birthday ni Nuantip, ang aking Thai classmate. Hmm... baka may mekju! hehehehe.... grabe na-LSS ako sa korean version ng Happy Birthday. Kakantahan ko nga sha araw-araw para masaya. Ano ba reregalo ko dun?

Hala mawawala na ang mga cherry blossoms! Nalalagas na yung iba eh. Ganda nga ng epeks kapag humahangin. Parang yung sa anime na may mga hinahangin na cherry blossoms sa paligid for dramatic effects? Ang sad nga raw sa Japan kasi nagsisimula pa lang yatang bumukadkad ang kanilang sakura eh nawala na. Pinatay yata ng 'yellow dust' (alikabok galing Gobi Desert). Buti na lang dito nagka-yellow dust before mag-bloom ang bulaklak.

I'm ok, I'm ok... I'm ok...

grabe sabi ko na nga ba! psychic talaga ako. pag wala talaga ako dun nangyayari ang mga pangyayari eh. at ayan, da almost impossible! grabe na talaga itich. hay naku, hay naku, hay naku. ano ba tong mga naiisip ko. pahamak talaga. hehehe...... :p Oo0ps hala... kumukurot.

this morning... fastbreak!

we don't hurt because somebody hurts us. We hurt because we choose to be. So walang sisihan, ok?

Mula nung pinanganak ako, I learned not to blame anyone for whatever's happening to me. I believe na kung ano man mangyari sakin o maramdaman ko, choice ko yun. Lalo na kapag talo-talo na. Kapag nadapa ako, kasalanan ko. Ganun lang. Kahit tinulak ako ng iba, kasalanan ko rin yon kasi nagpatulak ako. Well, except parents ko. Harhar! Madalas ko silang sisihin.

Pero shempre iba ang usapan pag tagumpay na. Malamang maraming dahilan at taong dapat pasalamatan.

<*insert dramatic bgm here*>Kaya ngayon gusto kong magpasalamat sa lahat ng pagmamahal na binibigay niyo sakin at sana wag kayong magsawa na mahalin ang isang tulad ko.

ahh... nga pala, nobody's to blame anyway. if there's anyone to blame, it would be me.

Sunday, April 16, 2006

i love you DinDin!!

I've always liked cold coffee. Scratch that. I've always loved cold coffee. But I surprised nyself when I said "yuck" to the cold coffee I bought from the vending machine last Friday.

I don't like to think that I'm becoming what I'm not. Actually, I'm still my old self. Just jumbled up a bit. hehe... I think I just need to calm myself and stop from being too paranoid. Okay, I know I'm a little bit of a psychic and I know that three-fourths of my intuition must be true but right now, I'm just sticking to what I call "the eleven last words". hehe... The day that I can say I've changed is when you see me working hard, keeping personal deadlines on my writing and using the library often. harhar!

I swear I'll be in next year's issue of Dapitan. nyok!

About the coffee thingie, I think I was just influenced by the "Undomestic Goddess". I think there was a scene there where she said "yuck" to her 4-hour coffee. And that Friday morning was really cold, I was longing for a hot coffee and was disappointed when I was given a cold one by the stupid machine. And the same book is to be blamed why I'm using English here.

I'm so water. Whatever that means.

Anyway, it's Sunday today!! We saw Parokya ni Edgar in a mini-concert in Hyehwa-dong sponsored by a Filipino Catholic Community, I think. It was fun even though the program was 2 hours late. Filipino time! But it was worth it. I saw Dindin!! (he's the drummer, btw) He's so cute! haha! He's fair and chubby and has a clean cut and looks extremely hot in his glasses! uh oh... did I say 'extremely hot'? :D I just love him in his glasses. He doesn't look like some rugged drummer. In fact, he looks like a good and smart guy to me. Well not to mention that he must be full of sense of humor too since he's part of Parokya ni Edgar and he's Chito's friend since they were kids. Oh well, he must not be good or smart but as long as he looks like it, I crush him! haha!

Sayang! hindi ako nakapagpa-picture kay Dindin! hehehe... pero di bale may video naman si kuya Dennis. Sana bigyan niya ako ng kopya para masaya! hehe... sayang talaga di ko nakita yung suntukan. nakunan kaya sa video?

ayan... nalimot ko na tuloy mga sasabihin ko. hmph! next time na nga lang!

Saturday, April 15, 2006

yes, i know

I am an intelligent woman. I know the answers to my questions. I know what I want. I know what I want to be. I know what I want to do with my life.

I know what I want this very moment.

But I can't.




Wow. Accomplishment. I've finished the Undomestic Goddess. I don't know why but I can relate. Dahil hindi rin ako marunong magluto? Hehe... perhaps. I thought, how does it feel to throw away one's life for something that you wanted so bad? Like love? How could she have thrown a 6-figure income in one of the most prestigious law firm? How could she have thrown what she ever wanted since she was thirteen? They say it was crazy. My mind says it was crazy. But she was happy.

Why can't they make both ends meet? She can be on top of her career and at the same time, Nathaniel can have his dream come true in Cornwall. Here I am again, being my ideal self. But I know that that can't be true. One just have to choose. It's either here or there. Why does it have to be that way? Oh well... man can't truly have everything that he wants.

If only I can have the assurance that I can have the other while I sacrifice one, I'd be glad to. Hehe... not the risk-taker, that I'm not. But I guess it'll be too late. The mind races faster than I can ever act. I've told myself to stop. Stop! Stop! Stop! And the more I think about stopping, the more I want to go. I told you, I have to stop thinking.

BRAIN FOR SALE: SLIGHTLY USED

Friday, April 14, 2006

mula kay phoebe

Whats the worst thing about being in love?

* being in love at the right time, right place and right reasons for the wrong person.. uhmm.. siguro something like that.. hahaha

my note: I wouldn't exactly use the term "wrong" for the person.

think, Cecil, think!

YESTERDAY

I slept right after class and never left the bed until this morning when I had to drag myself up once again. I think I went down with slight fever. I'd filled my head with either air or words of "Para sa Masa". Don't know why it stuck. Guess it's the most neutral song that my mind can come up with. I consciously turned myself into heavy-repression-mode and it made my head ache-big time. I avoided writing even when my muse begged me to. Just told her to shut up a while and let me rest. I was tired. The day before (wednesday), I cried and then slept at 3 am. Then (thursday) I had role play, lab test, cold wind, boring lit class, ate crap, slept, woke, and read books just to repress myself some more until i'm dead tired so I can sleep again.

When I came here, I'm half myself. I left my better half back home. I woke up on some mornings knowing exactly what's wrong with me, what's different and perhaps, why. I know, somehow, I am not me anymore. This is not me. This is so unlike me. I feel like an anime character being used by a lousy fanfiction writer who put me in an OOC-mode. Somehow, I know that I'm that lousy writer.

At this point, I feel like a slave who's sick and tired of my master's constant whipping; and I just want to quit. But being a slave that I am, I know that I can't.

I was wrong. I'm angry. And bitter. It was too much even though I know that you found it necessary. It was just necessary to spank me over and over again to wake me up from what you call dreams. I cried. But after I've hit my head, I just stopped. I stared blankly at the light. Tears had stopped flowing and it sure seemed like everything stopped. My mind stopped and my heart also did. I felt like I was stripped of everything that I have. I wanted to scream but it was all in my head. I was numb and I just wanted to rest. I don't want to think anymore. I've thought so much, it hurts. But it seems like I have to keep on thinking till I become the rational one once again-- the one who seems to know what's right and what's wrong; till I become again the one who I've hated for being a living dead.

My head throbbed painfully and I felt a small chill. But still I refuse to sleep lest thought haunt me again and again. Dead tired. But I just have to keep on reading, fill my head. Ate a half eaten bread on the bed and I couldn't even bring myself to throw away the plastic. I couldn't even stand up to drink even when it felt like chunks of bread were blocking my airway. Read, Cecil, read.


Repression's killing me, making me lose my sanity. I don't talk because no one's here to listen. My mind is so noisy that I can't sleep even as my body collapses. Tama na... shut up already! Shut up!!!

TODAY

Suddenly I became trigger-happy for a while, becoming excited about Korean's 1 year old birthday celebration. We were thought how to sing Korean's version of the "Happy Birthday" song. We watched one of the teacher's child's birthday video. Babies are the cutest! I was imagining Ms. Kim's children's first birthday. Wish she'd bring photos on Monday.

Went to Insa-dong--alone again. I'm so alone (please Ana, don't ask me for people because there is none. Marian went to Church because it's Holy Friday). I jusy have to go and tire myself by seeing that place which my tutor adviced me to go. Lots of Korean souvenirs and handicrafts. I know now what to give my mother and Ana and Karen and Sheri and Precious! Yay! But of course it would be nicer if I have a good camera and friends with me. But I blocked all thoughts of being alone for that time. Haha! talk about repression once again.

putangina! putangina! putangina!! sabi ko na nga eh ayoko na mag-internet muna. kaya eto sinasaktan ko na naman ang sarili ko. putangina, i have to close my email right away. putangina! ayan na! ayan naaaa!!! putangina! no! no! no!!! ay tangena talaga tong buhay na to. stop! shut up!! shut up!! shut the hell up! tama na!!

Wednesday, April 12, 2006

kulang sa fries

oo nga eh... feeling ko kulang na ako sa fries. haha! lumiliit na yata ang boobs ko. wahahaha!! ah ewan! gusto ko ng fries!! fries!! fries!! fries!! tsaka chicken!!

naman! inaantok na talaga ako!


DO YOU BELIEVE IN FOREVER?

Parang masyadong utopian ang idea ng forever. Parang ideya na hindi naman talaga nage-exist. Ano ba talaga ang forever? Ano ang time frame ng forever? Meron nga bang time frame ang 'forever' in the first place?

Pinanganak akong naniniwala sa forever. Pero naaalala ko nung elementary ako (habang nagsasagot ng 'autograph'), sinabi ko sa sarili ko na walang forever; meron lang 'as long as I live'. Pero dahil in-born ang paniniwala ko sa forever, heto ako, naniniwala pa rin.

Naniniwala ako na I could keep my friends forever. Kahit sabihin mo sakin na darating tayo sa punto na magkakahiwalay din tayo, naniniwala pa rin ako na posible ang forever. Iniisip ko na kung mage-effort lang naman talaga tayo na hindi magkawalaan kahit 'physically apart' tayo, pwede pa rin ang forever. Kung gusto talaga, laging may paraan.

Masama ba yun? Masama ba ang maniwala sa forever? Masyado na ba akong idealistic? Siguro... basta naniniwala ako sa forever.

At naniniwala rin ako na I could love forever.



gusto ko ng pera!! bigyan niyo kong trabaho!


Zzzzz.......zzzzz......zzz.........

Tuesday, April 11, 2006

<*sigh*>

I'm so tired but I can't sleep
Standin' on the edge of something much too deep
It's funny how we feel so much but we cannot say a word
We are screaming inside, but we can't be heard

I'm so afraid to love you, but more afraid to lose
Clinging to a past that doesn't let me choose
Once there was a darkness, deep and endless night
You gave me everything you had, oh you gave me light

natural law 202

wow. Ganon talaga. Kapag wala ang pusa, sumasalisi ang daga. Hayop sa strategy!!

aww...

may asawa na pala siya! waaahh!! di ako makapaniwala. sinabi na pala na may asawa siya sa harap ko, di ko pa naintindihan?! grabe... may asawa na pala siya? mukhang bata pa kaya siya saken.... dati iniisip ko lang kung may syota yun tapos may asawa na? at may dalawang anak pa! kalain mo?! kasi ako di ko akalain eh. haaayy.... gusto ko sabihing "sayang" pero as if naman dba? not in a million years! haha!

haaay buhay ko... lagi na lang ganito. puro pangarap. bakit ba kung sinong di pwede yun pa? nyahahaha!! masyado lang yata talaga akong ambisyosa. laging "out of reach" ang theme song. pati sa ibang bagay ganun din. pati sa pangarap ko sa buhay. sa huli, hindi ko na alam ang gagawin. tutunganga na naman ako't mag-uubos ng brain cells kaka-pangarap.

marami akong gustong gawin sa buhay ko. yun nga lang, nas-stuck ako kakaisip. haha! kumbaga, laging nag-iisip ng vision statement. pero walang plan. nyok nyok. pero yun nga, lalanding ako sa tanong na, "pano ba ako magkakapera?"

yun siguro ang kinabagsak ko sa interview ko sa Computer Science. Masyadong mataas ang goal ko sa buhay. pero nung tanungin ako kung pano ko yun magagawa, hindi ako sumagot ng basic answer. hindi ko sinabing mag-aaral akong mabuti. hindi ko sinabing magt-tiyaga ako sa buhay. bumagsak ako sa interview. ngayon, alam kong kung patuloy akong sasagot ng tulad ng ginawa ko sa interview na yun, hindi lang ako sa interviews babagsak. pati sa buhay, babagsak din ako.





hindi talaga ako makatiis na hindi bumili kapag may nakikita akong libro. bumili ako kahapon ng Memoirs of a Geisha at The Undomestic Goddess (Sophie Kinsella) kanina. kahit alam kong mas mahal dito compared sa presyo sa pinas, bumili parin ako. at plano ko pang bilhin yung Angels and Demons o di kaya Da Vinci Code. ano ba ang mas maganda? hehe... gago talaga ako noh? ang dami ko pang balak bilhin pero nag-uubos nako ng pera. hehe...

at this point, gusto kong sabihin na naiirita ako sa mga kuripot.





woi!! alam niyo ba yung Save the Last Dance for Me? yung si Sandy (Kim Eugene)? Nakita ko kahapon!! as in! sa shooting sa sidewalk!! nagulat nga ako eh... naglalakad lang ako tapos nakita ko na! asteegg!!! di ko akalain sobra. wag niyo na tanungin kung pinicturan ko kasi hindi. hehe... galing nga eh kasi the night before nun, napanood ko sa tv yung drama na shinu-shoot niya. kaya nung nakita ko, nagulat talaga ako!

gusto ko ng digital camera!!


at inaantok nako

Monday, April 10, 2006

nag-uubos ng brain cells

hehe... eto binubuhay ulet ang blog na eto...ang mga nakaraang araw ko po ay ginugugol ko sa pag-uubos ng brain cells nang sa gayo'y dumating ang oras na hindi ko na kayang mag-isip pa ng mga bagay na nakakasama sa kalusugan ng aking pagkatao. yun nga lang, hindi ko alam kung successful ba ako sa ginagawa ko. well, kahit papano, pwede na rin.

hmm.... what to say???nung sabado nagtinda kami ng turon, lumpiang shanghai, pastillas (andali lang pla neto, ngayon ko lang nalaman pano gumawa), biko tsaka sago't gulaman. meron pa nga kaming back-up na meatballs at tortang talong eh. hehe... para kasi yon sa Internationa Student's Assembly. May mga nagluto rin na mga taga-ibang bansa tulad ng China (fried rice sa kanila), US (spaghetti raw pero putanesca yun), Nepal (ang galing! curry na nasa loob ng tinapay na astig ang hugis!), Japan, (okonomiyaki or japanese pizza. yum!) at meron pa eh tulad ng Cambodia at isang di ko maalala pero di ko napansin ang luto nila kasi hindi ako nakatikim. maganda yung presentation nung luto ng nepal pero OA ah... ayoko nung curry... hehe...

astig ang pinoy pagdating sa presentation at advertising!! meron pa kaming malaking Philippine flag sa likod namin tapos may miniature kalesa, jeepney at baro't saya. meron ding sungka! astig noh? sayang nga lang walang costume na mahihiram sa embassy o sa DOT dito. tapos may free brochures pa kami ng WOW Philippines!! sabi nga namin dapat bayaran na kami ng DOT sa ginagawa naming advertising. to da max na eto ah... at meron pang part 2 yang sa May!


natulog ako sumandali at nagising akong may busal ang aking puso. ah hindi... nag-martial law ba? ewan...


nga pala, pasado naman ako sa mid-terms. 85 point something ako. hehe... mababa... pero pwede na... hinahabol ko kasi yung 90 eh para masaya! hehe... hindi kasi baka bumagsak ako sa susunod kasi mas mahirap na raw. kaya ganon... naghahabol ako ng 90 kasi gusto ko magka-award. hahahaha!!! para naman hindi ako ikahiya ng uste. tsaka malay natin, ma-exempt pako sa ibang finals pagdating ko, tulad sa Spanish! haha! WISH!!!

grabe noh? may grade ako kay Tabirara kahit walang finals? astig... tsaka sa Art App? astig... mga tamad! wahahaaha!!! pero buti na rin yun kasi ayokong nang maghabol ng maraming prof. lalo na si Galan na mahirap habulin kahit laging present. tigok lang ako kay Devilles.


oist... may cherry blossoms na dito... stig...

Sand in My Shoes

Two weeks away it feels like the whole world should've changed
But I'm home now
And things still look the same
I think I'll leave it till tomorrow to unpack
Try to forget for one more night
That I'm back in my flat on the road
Where the cars never stop going through the night
To a life where I can't watch the sunset
I don't have time
I don't have time

I've still got sand in my shoes
And I can't shake the thought of you
I should get on, forget you
But why would I want to
I know we said goodbye
Anything else would've been confused but I wanna see you again


Tomorrow's back to work and down to sanitation
Run a bath and then clear up the mess I made before I left here
Try to remind myself that I was happy here
Before I knew that I could get on the plane and fly away
From the road where the cars never stop going through the night
To a life where I can watch the sunset
And take my time
Take all our time

I've still got sand in my shoes
And I can't shake the thought of you
I should get on, forget you
But why would I want to
I know we said goodbye
Anything else would've been confused but I wanna see you again
I wanna see you again


Two weeks away, all it takes to change and turn me around I've fallen
I walked away and never said that I wanted to see you again

I've still got sand in my shoes
And I can't shake the thought of you
I should get on, forget you
But why would I want to
I know we said goodbye
Anything else would've been confused but I wanna see you again


I wanna see you again
I wanna see you again





haaayy... 2 weeks...