tumatawa nalang dahil walang alam, umiiyak dahil sa mga nalalaman
ang saya ko kanina dahil bukod sa nakita ko na si Yamashita na absent kahapon (kakaawa nga kasi may sakit siya... aww...) nakita ko pa si ms. kim ng 3 beses. hehehe... dapat pala lagi akong lumalabas pag break eh. saya naman...
nag-role play at as usual, i looked stupid.
kanina may picture taking ang mga selected students para sa bagong homepage ng language institute. kasama si marian dun kaya sinamahan ko na rin. nakita ako ni mrs. kim (iba si ms.kim kay mrs.kim. mas matanda etong si mrs. kim) at tinanong kung busy raw ba ako. sabi ko hindi tapos niyaya ba naman akong sumali sa pictorial?! sabi ko ayoko. sabi niya "you should". in korean sabi ko i hate pictures. hahaha!! tapos aba, close kami ni mrs. kim... nakailang pabirong palo siya sakin noh. hehehe...
mabait rin yong si mrs. kim. napaka-amo ng mukha niya. kung nanay ko siya, ay sos! sobrang guilt-trip siguro kapag ginalit ko o pinaiyak ko yun. mabait siya, laging nagbibigay ng advice sa kung pano kami gagaling sa korean. sabi niya gusto raw niya pumunta sa Cebu. hehe... bibigyan ko nga siya ng brochures bukas...
anyway, wala kaming sukje kaya pumunta ako sa Coex mag-isa dahil may napakalaking bookstore daw dun. pumunta ako mag-isa dahil may gagawin daw si Marian. (ang sad noh? i actually have only one person who i can tag along... actually pwede si ate regina or si michelle
grabe ang daming libro. yung mga libro dun eh mahigit pa sa pinagsama-samang libro ng sampung national bookstore. enough na na marami shempreng korean books pero marami rin ang english books! grabe di ko alam bibilhin ko. mga libro na di makita sa pinas. (o hindi ko palang talaga nakikita) ang saya. may kamahalan nga lang pero ang gaganda ng libro! nakakalula. ang saya! di nga lang ganun kasaya kasi wala akong mabili dahil (1) wala akong pera at (2) hindi ako makapili sa dami ng gusto kong bilhin. pero i decided na mag-research kung ano ang magagandang libro or makakatulong sa thesis ko bago bumili. im definitely coming back.
magbabalik ako sa luma ko pilosopiya na "every man is an island". totoo naman. yun ang fact na hindi natin maiiwasan. kahit anong mangyari, mag-isa pa rin tayo sa mundong ito. bawal dumepende. do not hold on to something or someone too much. lalo na pag di ka sigurado sa tibay ng sinasandalan mo. baka magulat ka nalang gumuho ang pader at kasama kang guguho. tsk tsk. kung sigurado ka, tried and tested na, edi mabuti. edi masaya...
pero siguro mali rin ako. feeling ko lang siguro ina-isolate ako. correction sa iniisip mo: i know when i isolate myself. wala akong reklamo dun. i sometimes want my peace.
siguro i just know kapag rejected ako. ayoko ng feeling. kaya sana hindi ko nalang nalalaman.
naku eto ang ayaw ko sa pag-iisip eh. sige na nga, kakain nako ng fries. baka sakaling lumaki ang boobs ko. harhar!
1 Comments:
haha at bakit mo naman gustong lumaki boobs mo?@_@ yikee may sineseduce ata...nyahaha...hay kakatapos lang ng exam, tapos 3 day break, hay anong gagawin ko? wala akong magawa, tapos crushless pa, nyeta, naiisip ko tuloy ung dati kong crush>_< ehem sino yang yamashita na yan? haha yan ba dahilan kaya gusto mong lumaki boobs mo? hehe=D
P.S. sabihin mo sakin pag gumana ung fries^_^V teehee
Post a Comment
<< Home