How can I make it through the day Without you You have been so much a part of me (and if you'll go) I'll never know what to do How can I carry on my way The memories When all that is left is the pain of my history Why should I live my life today I cannot live out on my own And just forget the love you've always shown And accept the fate of my condition Please don't ever go For I cannot live my life alone Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away How can I make my dreams come true Without you You were the one who gave love to me (And don't you know) You are my fantasy I cannot live out on my own (I can't do anything at all) And just forget the love you've always shown And accept the fate of my condition Please don't ever go For I cannot live my life alone Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away Say you'll never go Say you'll never go out my way Say you'll never go For we can still go on And make it through Just say you'll never go Say you'll never go away

Saturday, October 28, 2006

pain intolerant?

Kanina, sinubukan ko lang gumawa ng blog na ala-narrative, pang-creative writing class. ewan ko ba, wala na yatang dugo ng creativity sa ugat ko. parang tanga. tapos may--after 2 years yata--ay may nag-review pa sa fanfic ko at gusto raw niya yung Haruka's Choice at ituloy ko raw. Wahaha! Well, I admit, ako nga nagustuhan ko yung pagkakasulat ko dun sa last chapters eh. San ko ba hinugot yung galing ko dun?

Kahapon kinagat ako ni Sheri si braso. Nakita ko pa nga e. Pero wala lang. Tiningnan ko lang siyang gawin yon. Tulad ng dati, pinansin ko na naman kung gano kapantay-pantay ang ngipin niyang nakabakat sa balat ko kumpara sa ngipin kong sungki-sungki. Napansin kong para ngang mejo madiin yung pagkakakagat niya kasi ilang sandali pa eh hindi pa rin nawawala yung pagka-pula nung kagat niya. Tinanong naman niya 'ko kung bakit daw hindi ako nag-react nung kinagat niya 'ko. Sabi ko, "Hindi naman masakit eh".

Akala ko lang pala yon. Nung gabi, masakit na sha. Mahawakan lang ng konti, kumikirot na. Konti lang naman yung naiwang brown na pasa--halos hindi pa nga pansin. Pero masakit talaga pag nahahawakan. Kahit daanan lang ng konti yung balat, masakit na siya.

Tapos naisip ko, ganon nga siguro ako pag nasasaktan. Sa una, sige ayos lang. Ok lang, makakangiti pa ko. Mapapatawad na kita agad bago ko pa maramdaman na Ay, masakit pala. Gago ka a! Kaya ayun... payn. May magagawa pa ba ako? Alangan namang magpapatawad ako tapos magagalit. Kaya ayan, bitter tuloy ako. Haha! Mga hindi nalabas na sama ng loob.

Pero pansin ko nga ano, parang konti-konti ako masaktan. Wala akong one big blow tapos wala na. Move on. Ako yata move-on agad, bearing the burden along the way. Hirap noh? Haaaayy.... Issues! Issues! Bwahahahaha!! Ayan, bitter amapalaya tuloy.

Maiba nga ako. Nagpa-manicure at pedicure ako kanina. Ayoko nga sana kasi inaantok ako at ginising ako ni mama mula sa isang panaginip na nalimot ko na. Ang tense ng muscles ko lalo na binti, tsaka sa pwet. Para akong umupo ng matagal pero hindi naman. Gusto ko ng masahe!!!!!! Pa-masahe naman... pu-lis?

Balik dun sa pagpapa-manicure... nasugatan pako ng 2 beses. Nag-ala-nail polish pa yung dugo. Ay basta. Sorry ha, mejo stupid, pero lagyan ba naman ng nail polish yung sugat ko?! Ang hapdi talaga!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home